Facebook

Ex-Cop sangkot sa robbery at carnaping, timbog

ARESTADO ang isang dating pulis na sangkot sa carnapping sa operasyon sa Paco, Manila.
Kinilala ang naaresto na si Jhovani DC Chua, dating nakatalaga sa Regional Headquarter Support Unit ng National Capital Region Police Office at nasibak sa serbisyo noong 2011.
Ayon kay PNP Chief, Gen Denold Sinas, 4:20 ng hapon nang maaresto ng pinagsanib na mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group – Integrity Monitoring Enforcement Group (CIDG-IMEG) at Regional Highway Patrol Unit-NCR sa Peninsula Garden Midtown Homes, Quirino Ave., Paco.
Isinagawa ang operasyon sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa R.A 6539 (Anti-Carnapping Law) at PD 532 (Highway Robbery) na ipinalabas ni Hon. Editha G. Miña-Aguba, Presiding Judge ng RTC Branch 100, Quezon City.
Base sa rekord, hinaydyak nina Chua at isang Amiel Arceo ang isang cargo truck na naglalaman ng mga canned juice na nagkakahalaga ng P600,0000 sa Dagat-Dagatan, Caloocan City noong March 2011, at pinatay ang driver at helper ng truck.
Pagkatapos nito ay pinahaydyak din ni Cgua sa kasamahang si Joel Samonte ang isang van na naglalaman ng bathroom products na nagkakahalaga ng P380,000 sa Brgy. N.S. Amoranto, Quezon City noong June 2011.
Patuloy pang tinutugis ang mga kasamahan ni Chua. (Mark Obleada)

The post Ex-Cop sangkot sa robbery at carnaping, timbog appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ex-Cop sangkot sa robbery at carnaping, timbog Ex-Cop sangkot sa robbery at carnaping, timbog Reviewed by misfitgympal on Marso 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.