Facebook

2 tumestigo sa kaso binaril-patay

Binawian ng buhay sa pamamaril ang dalawa katao sa probinsya ng Cotabato.
Kinilala ang mga nasawi na sina Joven Pagsogiron, 45, may asawa; at ang kanyang kapitbahay na si Jona Rafael, 43, may asawa, at mga residente ng Tulunan, North Cotabato.
Ayon sa ulat, habang sakay ang mga biktima sa isang motorsiklo mula sa Kidapawan City at papauwi na sa kanilang tahanan ngunit pagsapit nila sa Purok Avocado, Barangay Libertad, Makilala, Cotabato bigla pinagbabaril ang mga biktima ng mga hindi kilalang salarin gamit ang kalibre .45 na pistola.
Agad namang tumakas ang mga salarin lulan ng dalawang kulay itim na XRM 125 na motorsiklo.
Patay on the spot ang mga biktima na kapwa nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan habang nakaligtas naman ang isang babae na angkas ng motorsiklo nang tumakbo at humingi ng saklolo sa mga residente.
Bago pinagbabaril ang mga biktima galing ang mga ito sa paglilitis ng isang kaso sa RTC-12 sa Kidapawan City kung saan sila tumestigo.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Makilala PNP sa pagpatay sa mga biktima at may mga person of interest na sinusundan sa krimen.

The post 2 tumestigo sa kaso binaril-patay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 tumestigo sa kaso binaril-patay 2 tumestigo sa kaso binaril-patay Reviewed by misfitgympal on Marso 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.