Facebook

28 lugar sa Quezon City lockdown!

DAHIL sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease o COVID-19, isinailalim sa lockdown ang 28 lugar sa Quezon City.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, ang nasabing desisyon ay bunsod ng pagdami ng active cases sa lungsod na umabot na sa 3,812 sa nagdaang dalawang linggo kungsaan karamihan dito ay pawang nasa workplace.
Sa bilang na 28 lugar, 20 dito ang may mataas na daily active cases dahil pumalo sa 13% ang positivity rate habang nasa 2.18 ang reproduction number ng virus, mas mataas kung ikukumpara sa kabuuang kaso sa National Capital Region (NCR).
Dagdag ni Belmonte, naging mabilis din ang pagkalat ng UK variant sa lungsod. Nakapagtala sila ng 13 kaso habang apat na kaso naman ang South African variant.
Sa ngayon, nasa 78% na ang ICU beds ng mga hospital, 68% ang isolation bed, at 77% ang COVID ward. (Boy Celario)

The post 28 lugar sa Quezon City lockdown! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
28 lugar sa Quezon City lockdown! 28 lugar sa Quezon City lockdown! Reviewed by misfitgympal on Marso 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.