Facebook

4 carjackers patay sa engkwentro

BUMULAGTA ang apat na miyembro ng carjacking group nang makaengkwentro ang mga elemento ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP – HPG) sa operasyon sa San Fernando City, Pampanga, Huwebes ng madaling araw.
Sa ulat, nagbabantay ng checkpoint ang mga pulis dahil sa natanggap na impormasyon tungkol sa carjacking at robbery activity nang maharang ang 4 lalaki na sakay ng kotseng may plakang UQG 517.
Ayon sa report, pinara ang kotse pero sa halip na huminto, pinaputukan ng mga nasa kotse ang mga pulis, dahilan ng engkwentro.
Patay ang apat at narekober sa kanila ang apat na baril.
Tinututukoy pa ng PNP ang pagkakakilanlan ng mga nasawi. Dinala ang mga bangkay sa Yumul Funeral Homes sa Sta Lucia, City of San Fernando para sa autopsy examination. (Mark Obleada)

The post 4 carjackers patay sa engkwentro appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
4 carjackers patay sa engkwentro 4 carjackers patay sa engkwentro Reviewed by misfitgympal on Marso 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.