TODAS ang isang awol (absence without leave) na pulis na mastermind sa paghold-up at pagpatay sa isang messenger na may dalang P500,000 payroll sa Valenzuela City noong Oct. 2020 nang makipagbarilan sa mga otoridad na nagsilbi ng ‘warrant of arrest’ sa Lipa City, Miyerkoles ng gabi.
Kinilala ang nasawi na si Patrolman Anthony Glua Cubas alias “Big Boss”, lider ng ‘Cubos Criminal Group’ na sangkot sa kidnapping, robbery extortion, gun for hire, at illegal drugs.
Kabilang din si Cubos sa listahan ng ‘level 3’ drug suspect ni Pangulong Rodrigo Duterte at PNP ‘National Drug Watch’ list ng pushers at protektor ng illegal drugs.
Ayon kay OIC Chief PNP, Lt Gen. Guillermo Lorenzo T Eleazar, isinagawa ang operation ng pinagsanib na mga elemento ng Lipa City Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Intelligence Unit Batangas PPO, Valenzuela City Police Station, at Naval Intelligence Service Group sa Lipa City.
Sa report, isinagawa ang operasyon sa bisa ng ‘Warrant of Arrest’ sa kasong Robbery with Homicide mula sa sala ni Judge Snooky Maria Ana Bareno-Sagayo ng Regional Trial Court Branch 283, Valenzuela Cit.
Si Cubos ang sinasabing mastermind sa pagpatay kay Nino Luegi Hernando, 39, nang holdapin paglabas ng bangko sa Maysan Road, Valenzuela City na may dalang P442,714.00 cash para sa company payroll.
Naunang nadakip ang 3 suspek na sina Jo-Ann Cabatuan, Edgar Batchar at Michael Castro, habang patuloy naman ang paghahanap sa dalawa pa na kinilalang sina Rico Reyes alias “Moja” , 21; Narciso Santiago alias “Tukmol”, 37 anyos.
(Mark Obleada/Koi Laura)
The post Awol na pulis na utak sa pagholdap-patay sa messenger tigok sa ‘warrant’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: