Facebook

7 pulis sa Calbayog City shooting tinukoy

KINILALA ng Philippine National Police (PNP) regional office ang pitong pulis na sangkot sa umano’y “shootout” na ikinasawi ni Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino at lima pa noong Marso 8
Kinilala ang mga pulis base sa sinumpaang salaysay ng mga saksi, ayon kay Col. Ma. Bella Rentuaya, PNP Eastern Visayas regional office spokesperson.
Ito’y sina Col. Harry Sucayre, Maj. Cyril Tan, Lt. Julius Armesa, at Cpl. Edcil Omega.
Naiulat ang mga ito na sakay ng puting Toyota Hilux na na-kita sa nangyaring palitan ng putok sa pagitan nina Aquino at kanyang grupo sa Laboyao Bridge sa Barangay Lonoy, Calbayog City, Samar 5:30 ng hapon ng Marso 8, Lunes.
Kabilang dito sina Capt. Joselito Tabada at S/Sgt. Romeo Laoyon na nasawi sa putukan, at ang sugatang si SSgt. Neil Cebu.
Si Tabada ang hepe ng Samar PNP drug enforcement unit (DEU) at acting chief of police sa kalapit na bayan ng Gandara.
Matatandaan na nakipagbarilan umano ang grupo ng alkalde sa napagkamalang sasakyan na sumusunod sa kanila habang papunta sana si Aquino sa selebrasyon ng kaarawan ng anak.
Matapos ang barilan, napag-alamang pulis pala ang kanilang nakaengkwentro.
Anim ang nasawi sa barilan kabilang na ang alkalde, security detail nito, at driver, habang dalawang pulis sa kabilang panig at isang sibilyan pa ang tumumba.
Tinawag naman itong “ambush” ni Samar 1st District Representative Edgar Sarmiento dahil tila handang-handa ang mga pulis sa barilan kungsaan, aniya, may mga naka-bonnet pa at may bitbit na matataas na kalibre ng baril.
Pinaimbestigahan niya ang insidente sa National Bureau of Investigation (NBI).
Si Aquino ay lider ng Libe-ral Party sa Samar.

The post 7 pulis sa Calbayog City shooting tinukoy appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
7 pulis sa Calbayog City shooting tinukoy 7 pulis sa Calbayog City shooting tinukoy Reviewed by misfitgympal on Marso 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.