PINAIIMBESTIGAHAN ng isang solon ang nangyaring red-tagging kay Judge Monique Quisumbing-Ignacio ng Mandaluyong City Regional Trial Court (RTC) matapos ang pagpalaya sa red-tagged journalist Lady Ann Salem at trade unionist Rodrigo Esparago.
Nangyari ang red-tagging sa pamamagitan ng isang tarpaulin na ibinandera sa Shaw Boulevard at EDSA.
“Maraming salamat Judge Monique Quisumbing-Ignacio, RTC Branch 209, Mandaluyong City sa mabilis na paglaya ng kasamahan nating Lady Ann Salem at Rodrigo Esparago. Tuloy ang laban! Mabuhay!,” saad sa tarpaulin.
Sa baba ng tarpaulin may nakalagay pang logo ng Communist Party of the Philippines.
Sa Twitter, ibinahagi ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite ang larawan patungkol sa Communist Party of the Philippines (CPP), New People’s Army (NPA), at Marxist umbrella group National Democratic Front of the Philippines (NDFP).
Ani Gaite, ang nasabing hakbang ay parte ng pagkukutya sa korte.
Sa ngayon ay wala pang pahayag si Ignacio sa naturang ulat.
The post Huwes na nagbasura ng kaso vs journo at unyonista ni red-tag appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: