ARESTADO ang assistant principal na umano’y miyembro ng komunistang grupo sa operasyon sa Barangay Rajah Humabon, Butuan nitong Miyerkules.
Kinilala ang dinakip na si Rosanilla B. Consad alias “Lai”, 54 anyos, ng Diamond St., Rosewood Plains Subd., Brgy. Villa Kananga, Butuan City, assistant principal ng San Vicente National High School sa lungsod, at miyembro ng Katipunan ng Gurong Makabayan.
Sa ulat, lumabas sa imbestigasyon na suspek si “Lai” sa pag-atake at pagbaril sa isang Private First Cpl. Junrel Cornelio at CAFGU Active Auxiliary Emiliano Sajol, Jr., na kapwa miyembro ng 29th Infantry Battalion, Philippine Army habang nagsasagawa ng combat patrol operation sa Sitio Manhupaw, Brgy. Poblacion 2, Santiago, Agusan del Norte noong Nobyembre 21, 2020.
Batay sa PRO-13, pinuno si Lai ng Regional Urban Committee (RUC), Regional White Area Committee (RWAC), Northeastern Mindanao Regional Committee (NEMRC) at nasa listahan ng “CTG Priority Target” ng Caraga PNP.
Lumabas din sa intelligence report na kabilang si Lai sa recruitment ng mga kabataan at mga estudyante na maging miyembro ng New People’s Army (NPA). (Mark Obleada)
The post PRINSIPAL BUKING NA ‘NPA’ DINAKIP appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: