NAKAPAGTALA ng 5,290 bagong kaso ang Department of Health ngayong Huwebes, Marso 18.
Sa pinakahuling update ng DOH ngayong araw, umabot na sa 640,984 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Samantala ay mayroon namang naitalang 439 na gumaling at 21 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 10.4% (66,567) ang aktibong kaso, 87.6% (561,530) na ang gumaling, at 2.01% (12,887) ang namatay.
Samantala, nagbigay paalala naman ang DOH sa lahat na umaabot sa dalawang linggo mula sa ikalawang dose ng bakuna ng COVID-19 upang magkaroon ng kumpletong proteksyon laban sa malubhang sakit dulot ng COVID-19.
Huwag ding magpakampante kahit na maturukan na ng bakuna o unang dose dahil maari pa ring tamaan ng sakit. Ayon sa DOH, kailangan pa rin ang masidhing pag-iingat at pagsunod sa wastong MPHS. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)
The post Covid update: 439 gumaling; 21 nasawi; 5,290 bagong kaso appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: