Facebook

Bulkang Taal nakapagtala ng 164 pagyanig

TINATAYANG aabot sa 164 pagyanig ang naitala sa panibagong pag-aalboroto ng bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras kabilang ang 67 na volcanic tremors ng bulkan nitong Huwebes ng umaga.
Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) tumagal ang isa (1) hanggang dalawang (2) na minuto at tatlong (3) hybrid event ang pagyanig.
Ayon sa Phivolcs, nananatiling nakataas ang Bulkang Taal sa alert level 2 at bunsod nito pinaalalahanan ng ahensya ang madla na nagbabanta pa rin ang paulit-ulit na pagputok, volcanic earthquake ng bulkan at pagbuga ng volcanic gas.
Kaugnay nito mahigpit na ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng sinuman sa paligid ng bulkan na siyang Permanent Danger Zone o PDZ ng Bulkang Taal lalo na malapit sa bunganga ng bulkan.
Kaugnay nito pinayuhan naman ng Phivolcs ang mga local na pamahalaan at hinihikayat na patuloy na suriin at pagtibayin ang kahandaan ng mga dati nang nilikas na barangay sa paligid ng Lawa ng Taal.
Pinaalalahanan din ng Phivolcs ang Civil Aviation na abisuhan ang mga piloto na iwasang magpalipad ng eroplano malapit sa bulkan dahil sa naglipanang abo at umiitsang baton na maaaring idulot ng pagputok ng bulkan. (Boy Celario)

The post Bulkang Taal nakapagtala ng 164 pagyanig appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bulkang Taal nakapagtala ng 164 pagyanig Bulkang Taal nakapagtala ng 164 pagyanig Reviewed by misfitgympal on Marso 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.