MAY isa pong tagasubaybay ng ARYA ang nag-email at itinatama ang ilang detalye sa naging labas ng kolum nitong March 16 na may titulong “EX PIA DIRECTOR NAGTATAGO?” Narito po ang kaniyang pagtatama at ito po ay ikinagagalak kong makatanggap ng mga ganirong pagtatama ng detalye…
Sir Irwin, nasusubaybayan ko po ang inyong kolum at isa po ako sa humahanga sa inyong mga punto. Kaso lang po, ang kolum po ninyo nitong March 16 ay hinde po si CLAVITE ang gumamit ng mga resibo mula sa isang gay bar. Natiyempo po na kilala ko si CLAVITE at kilala ko rin po iyong nababanggit ninyong opisyal na ang isinusumite nitong mga resibo sa kaniyang expenses ay kilala ko rin po. Eto pong gumamit ng gay bar receipt na isinumite po niya sa COA ay narito pa rin po siya sa ating bansa at siya ay nanunungkulan bilang DIRECTOR GENERAL sa isang government agency po. Si Harold Clavite naman po ay nasa ibang bansa at doon na nagtatago dahil sa mga kasong naisampa sa kaniya. Sana po ay nakadagdag ako ng impormasyon para sa inyong kolum.
Salamat po sa ating EMAIL SENDER.., nanariwa nga po sa aking ala-ala na nailagay ko ang detalyeng…
“Isang hinde ko malilimot sa mga ibinulong ng mga ARYA BUBUYOG ay karamihan umano sa mga resibo ng pinaggastusan ni CLAVITE na isinumite sa COMMISSION ON AUDIT (COA) ay resibo mula sa GAY BAR…, hehehe may syota kaya itong bading o siya ang bading na nanghahala.., at napapaluwa lalo ang mga mata ng BUBUYOG ARYA dahil kapag mag-eeroplano ito para sa kaniyang out of town event ay laging kasama ang isang MACHO GUWAPITO.., o GUWAPITA na hinde maiwasang mapagkuwentuhan ito ng mga empleyado!”
Namali nga po etong parte ng naisulat ko dahil si CLAVITE ay hinde ganito ang naging pag-abuso noong ito ay naging PUBLIC INFORMATION AGENCY (PIA) CHIEF.
Ibang personalidad po ang binabanggit kong nagsumite sa COMMISSION ON AUDIT (COA) ng resibong mula sa GAY BAR.., kaya salamat po sa ating EMAIL SENDER.
Etong si CLAVITE na naitalaga bilang PIA CHIEF noong July 2016 ay mismong ang kaniyang DEPUTY DIRECTOR na si BENJAMIN FELIPE ang nagsampa ng kaso sa OMBUDSMAN noong taong 2019 hinggil sa umano’y malversation of public funds; mga iregularidad patungkol sa Employees Compensation Program; ‘splitting’ sa procurement ng ASEAN Komiks at ang umano’y iregularidad sa programang LIKE PINAS.
Kamakalawa naman ay may ibinulong ang ARYA BUBUYOG na si CLAVITE pala ay hinde lamang sa COA at OMBUDSMAN ang mga kasong kinakaharap.., kundi nahaharap din ito sa CARNAPPING CASE na mismong ang PIA ang nagsampa ng kaso laban sa kaniya tsk-tsk-tsk!
MAY SARILING MOLECULAR DIAGNOSTIC LAB ANG MANDALUYONG
Bibilis na ang proseso sa pagdetermina ng iba’t ibang uri ng virus ngayong panahon ng pandemyang dulot ng COVID-19 ang MANDALUYONG CITY dahil mayroon na silang pag-aaring MOLECULAR DIAGNOSTIC LABORATORY.., yun nga lang mga isang-buwan pa maaaring makapag-operate kapag naisagawa na ang mga requirement upang mabigyan ito ng PERMIT TO OPERATE ng DEPARTMENT OF HEALTH (DOH).
Ang naturang laboratoryo na itinayo sa compound ng NATIONAL CENTER FOR MENTAL HEALTH (NCMH) sa BRGY. MAUWAY at ginastusan ng mahigit P22 milyon ay pinasinayaan nitong nakaraang Miyerkules sa pangunguna ni MANDALUYONG CITY MAYOR MENCHIE ABALOS na sinaksihan nina DR. MARIA PAZ CORRALES bilang representante ni DOH ASSISTANT REGIONAL DIRECTOR DR. GLORIA BALBOA; si DR. BEVERLY AZUCENA na nirepresenta naman niya si NCMH DIRECTOR DR. NOEL REYES; gayundin sina MANDALUYONG CITY HEALTH OFFICE HEAD DR. ALEX STA. MARIA; MANDALUYONG CITY MEDICAL CENTER DIRECTOR DR. ZALDY CARPESO at ang mga bumubuo ng CITY HEALTH DEPARTMENT- CITY EPIDEMIOLOGY AND SURVEILLANCE UNIT.
Sa pagpapatayo ng nasabing laboratoryo ay naging katuwang ng pamahalaang lungsod ang SAN MIGUEL CORPORATION at BDO FOUNDATION na nagkaloob ang nga ito ng high capacity COVID-19 MACHINES, test kits at iba pang kagamitang panglaboratoryo.
“Ang ating molecular laboratory ay may Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) equipment na makakapag-test ng mga specimens. Malaking tulong ito sa COVID-19 response ng ating lungsod upang mas mapabilis at mapadali ang pagte-test sa ating mga mamamayan. Magkakaroon ng parallel testing para sa pagbibigay ng permit at accreditation ng Department of Health,” pahayag ni MAYOR ABALOS.
Aniya, matapos man ang pandemya ay malaking katulungan pa rin ang laboratoryo para magamit sa mga may HIV CASES at iba pang mga uri ng sakit.., na prayoridad man ito para sa mga residente ng kanilang lungsod ay bukas din ito para sa mga residenteng kanilang karatig-lungsod
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.
The post Si Clavite ay iba sa gay bar goer! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: