Facebook

3 miembro ng drug syndicate sa Bilibid, nakuhan ng P1.7m shabu

Naaresto ang dalawang babae at isang lalaki na miyembro ng big-time drug syndicate sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Campo Tinio, Nueva Ecija, Sabado ng madaling-araw.
Kinilala ang mga naaresto na sina Michael Correa, 38, alyas “Paleng”; Teresita Francisco, 49, alyas “Tess”; at Celedonia Caseria, 66, alyas “Ine”, habang nakatakas ang ika-4 na suspek na isang Michael Nicolas, pawang residente ng nasabing barangay.
Ayon sa ulat, 2:30 ng madaling-araw, isang police agent ang umaktong buyer at nakabili sa suspek na si Francisco ng isang sachet ng shabu kapalit ng P500 marked money.
Inaresto si Francisco, kasama ng dalawa pang suspek habang nakatakas ang ika-4 nilang kasama na ‘look-out’ ng grupo.
Sa pagkapkap sa mga suspek, may nakuha pa ang pulisya ng karagdagang 52-piraso ng plastic sachet ng ng shabu na may kabuuang timbang na 250.23 grams at nagkakahalagang P1,701,564 na maayos na nakatago sa loob ng coin purse.
Ayon sa mga suspek na mga miyembro sila ng sindikato ng droga na pinapatakbo ng isang drug lord na kasalukuyang nakakulong sa National Penitentiary.
Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga naarestong suspek.

The post 3 miembro ng drug syndicate sa Bilibid, nakuhan ng P1.7m shabu appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
3 miembro ng drug syndicate sa Bilibid, nakuhan ng P1.7m shabu 3 miembro ng drug syndicate sa Bilibid, nakuhan ng P1.7m shabu Reviewed by misfitgympal on Marso 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.