ARESTADO ang dalawang tulak sa isinagawang buy-bust operation at nakumpiska ang may P34,000 halaga ng shabu sa Brgy. Baesa, Quezon City Biyernes ng gabi.
Sa ulat ni PLT COL Cristine M Tabdi hepe ng Quezon City Police District Station 3 Talipapa kay QCPD Director Police Brigadier General Danilo Macerin, nakilala ang mga nadakip na sina Aries Paul Gunnacao, 50 anyos, may-asawa at residente ng 237 NPC Brgy. Baesa, QC, top 7 drug suspek ng station 3; at Jarry Ami, 37, ng 65 Mendez St., Baesa,QC.
Ayon kay PCpl Paulo Tumbaga officer on case nadakip ang mga suspek 7:35 ng gabi sa kahabaan ng Jojo St., Brgy. Baesa, QC .
Sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Talipapa police 3 sa pangunguna ni PLT Darwin Pua sa naturang lugar na nagresulta ng pagkakadakip ng mga suspek.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang limang (5) piraso ng heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng P34,000.00 at dalawang piraso ng P100 bills na buy bust money.
Kasalukuyan ngayong nakapiit ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 at Sec. 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Boy Celario)
The post 2 tulak arestado sa buy-bust appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: