Facebook

Mag-live-in may kasong rape, huli sa buy bust

Arestado ang mag-live-in partner nang mahulihan ng P260,000 halaga ng shabu sa Barangay 8-A sa Davao Biyernes ng gabi.
Ayon sa Talomo Police Station, nasa 16 na gramo ng naturang ilegal na droga ang nasamsam mula sa mga suspek sa isang boarding house sa Purok 10, Upper Madapo.
Ayon kay Police Major Sean Logronio, hepe ng Talomo Police Station, mayroong pending case ang mga suspek sa paglabag ng Republic Act 8353 o Anti-Rape Law dahil sa pangmomolestiya at pag-abuso sa kanilang sariling anak.
“Sometime on 2019, both the suspects directly and indirectly sexually abused the child by allowing the latter to watch them having sexual intercourse. There were also instances that the mother allowed her live-in partner to rape her daughter, and the worst, is her own mother (the suspect) even participated,” ani Logronio.
Bukod sa rape, haharap na rin ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

The post Mag-live-in may kasong rape, huli sa buy bust appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mag-live-in may kasong rape, huli sa buy bust Mag-live-in may kasong rape, huli sa buy bust Reviewed by misfitgympal on Marso 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.