PARA tulungan ang mga Filipino na nalugmok sa pagbagsak ng ekonomiya dahil sa epekto ng pandemya, inayudahan ni Senator Christopher “Bong” Go ang nasa 5000 benepisyaryo sa iba’t ibang lugar sa Bohol simula March 1 hanggang March 3.
Sa unang araw, umaabot sa 705 benepisyaryo sa Corella Public Market at 545 indibidwal sa Balilihan Gymnasium ang binigyan ng iba’t ibang tulong ng grupo ni Sen. Go.
Nang sumunod na araw, namahagi sila ng ayuda sa 585 beneficiaries mula sa Tagbilaran City sa Saulog Gym at 968 beneficiaries sa Trinidad Cultural Center.
Noong huing araw, tinataya namang 1,019 beneficiaries sa Alburquerque ang nabibiyayaan ng mga tulong sa West Poblacion Gym at 998 indibidwal sa Loay People’s Center.
Sinunod sa pamamahagi ng ayuda ang health protocols.
Sinabi ni Felisardo Carson, isang 53-year-old PWD mula sa Balilihan na lubos ang kanyang pasasalamat kay Sen. Go dahil sa tulong na natanggap niya.
“Nagpapasalamat ako kay President Duterte at Senator Go sa kanilang tulong sa aming lahat dito sa Bohol. Ang hiling ko lang ay sana matulungan ako sa aking paa, na mabigyan ako ng paa kasi kailangan ko talaga ito,” ani Carson.
Siniguro naman ni Go na mabibigyan sila ng bakuna laban sa COVID-19.
“Huwag kayong matakot sa bakuna. Matakot kayo sa COVID-19. Ang bakuna po ang papatay sa COVID-19, kaya magtiwala po tayo sa ating gobyerno,” ayon sa senador. (PFT Team)
The post 5,000 market vendors, displaced workers, motorcycle drivers, PWDs sa Bohol tinulungan ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: