Facebook

VMMC health workers inayudahan, pinasalamatan ni Bong Go

INAYUDAHAN at labis na pinasalamatan ni ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga medical workers ng Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City dahil sa kanilang naging kontribusyon laban sa COVID-19.

“Sa mga frontliners ng Veterans Memorial Medical Center, maraming salamat sa inyong serbisyo sa panahong ito. Nakikiusap ako, konting tiis lang po. Dahil kayo ang mas nakakaalam sa trabahong ‘to, kayo ang inaasahan ng bayan sa ating laban sa COVID-19,” ani Go sa kanyang video message.

“Bilang Committee Chair on Health sa Senado, nandidito ako handang sumuporta, makinig at tumulong sa inyo. Bukas ang aming opisina, pwede niyong lapitan any time. Tutulungan namin kayo sa abot ng aming makakaya,” patuloy niya.

Bukod sa mga ayuda na ibinigay ni Bong Go, namahagi rin ng tulong ang Department of Social Welfare and Development ng financial assistance sa frontliners.

Ang Department of Trade and Industry ay nagsagawa naman ng assessment sa mga potensyal na benepisyaryo ng alternatibong pangkabuhayan.

Bilang chairman ng Senate Committee on Health, tiniyak ni Go sa medical workers na prayoridad ng gobyerno na mabigyan sila ng COVID-19 vaccines para mapreserba ang healthcare system.

Labis na pinasalamatan ni Go ang VMMC staff, sa pangunguna ni Hospital Chief Dr. Dominador Chiong, Jr. sa kanilang serbisyo sa mga pasyente at sa komunidad.

“Alam namin na nahihirapan na kayo. Nahihirapan na rin kami ni Pangulong [Rodrigo] Duterte pero kailangan natin magtulungan at magtiis upang malampasan natin itong krisis. Malaki ang utang na loob namin sa inyo. Kayo ang nagbibigay lakas sa amin para mag-serbisyo pa kami nang maayos at paigtingin pa ang pagtutulungan natin sa isa’t isa,” ayon sa senador. (PFT Team)

The post VMMC health workers inayudahan, pinasalamatan ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
VMMC health workers inayudahan, pinasalamatan ni Bong Go VMMC health workers inayudahan, pinasalamatan ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Marso 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.