MAY karera na ng kabayo, jueteng,casino at kung anu-anong uri pa ng pasugal pero ang mga sabungang may mga lisensiya mula sa GAB at sa mga LGUs ay tila sinasadyang ‘wag pabuksan!
Dahil ba ito sa WPC16 Online Sabong ni Mr. Charlie “Atong” Ang na kinababaliwan ngayon ng marami sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan.
Yes po, addicted sa online sabong ni Mr. Atong Ang ang majority sa mga opisyal ng DPWH, Customs, Immigration,PNP at halos lahat ng mga opisyal na nasa gobyerno.
Pindot dito, dutdot dun ng kanilang mga celfon dahil sa pagpusta sa online sabong kahit sa oras ng trabaho.
Ang tanong, sinong Hudas na opisyal sa Duterte administration ang padrino ni Atong Ang para mamayagpag ng ganitong raketa at makopo ang lahat ng kita at ganansiya sa sugal na ito.
Isa ang jueteng lord na si BONG PINEDA sa mga tulo ang laway at naiinggit sa suwerteng tinatamasa ni Atong Ang.
Bakit nga ba hindi, kulelat na cowboy ang saBONG online at pa-jueteng ng kalbong si Tatay Bong (DOCE) hehehe!
Pinakakain di lamang alikabok kundi tae ng kalabaw ng WPC16 ni ATONG ANG!
Anak talaga ng teteng, daang milyong piso ang sinasalok araw-araw ng grupo ni ATONG ANG sa opisyong ito.
No wonder, marami sa mga tatakbong pulitiko sa 2022 elections ay si ATONG ANG ang financier.
Mayors, congressmen at mga senador!
Sa presidential derby, sino kayang masuwerteng KUPAL ang susuportahan ng sandamukal na KUWARTA ni Double A?
ATONG ANG, patuloy sa pagiging certified KING MAKER ng Pilipinas!
In the City of Manila,totoo bang si Jinggoy Estrada ang “minamanok” ni ATONG para palayasin si Yorme Isko sa city hall?
Sina Ang umano at ang Konsehal na si Dandan Tan ang nasa likod ng mga patawag na ginagawa sa mga barangay officials ng lungsod sa bahay ni Jinggoy diyan sa Santol, Sta. Mesa.
Ibig bang sabihin, babaha na naman ng pera sa Maynila ngayong 2022 elections?
Kay Jinggoy na raw ang boto ng Baseco, Parola at iba pang highly populated areas ng Tondo na sakop ng district 1 & 2 ng siyudad.
May ilang kaalyado umano ni Yorme Isko ang nasa kampo na ni Jinggoy Estrada.
Isa na nga dito ay si 3rd district Congressman Yul Servo na madalas makitang nasa bahay ni Jinggoy na kasamang umiistima sa mga pinapatawag ng barangay officials.
Iba talaga ang nagagawa ng pera!
Kahit pa nga ang mismong anino mo ay kaya kang iwan ng dahil sa kuwarta!
So it will be JINGGOY-YUL SERVO versus ISKO-HONEY sa 2022 diyan sa Maynila!
Totoo rin bang nabuwisit si ATONG ANG sa walang tigil na panghihingi ng mga tauhan ni ISKO sa kanyang negosyong online sabong?
Ibig bang sabihin, tinotokahan ng mga bata-bata ni Yorme Isko ang negosyo ni Ang kung kaya’t humanap ng mas matibay na kasangga si Double A sa katauhan ng batang Estrada.
Pati ang sabungan ni Ang diyan sa Sta. Ana, Maynila ay piniperwisyo rin daw ng mga close allies ni Moreno.
Malaki ang kalamangan ni Isko Moreno kay Jinggoy Estrada kung tutuusin.
Kung ngayong araw na ito o bukas ang eleksyon, no doubt na mananalo si Yorme Isko via landslide over Jinggoy.
Ang kaso mo, medyo mahaba-haba pa ang laban. Kung baka sa karera, puwedeng tumukod si Isko kapag nag-umpisa nang pakilusin ang impluwensiya ng sandamukal na kuwarta.
Banderang kapos ang aabutin ni ISKO pagdating ng Mayo 2022.
Sa ngayon ay may iilan pa lamang kilalang pulitiko ng Maynila ang kumpirmadong nasa kampo na ng mga Estrada, pero paano na kung sumunod na rin ang iba pang sikat at maimpluwensiyang politicians ng lungsod gaya ng mga Bagatsing na nitong nagdaang halalan ay sa mga Estrada na rin nakapanig.
Ang mga Lopezes na tila dismayado rin sa kasalukuyang liderato sa city hall.
Sakali mang magdesisyon si Isko na maglevel up at iwan ang Manila at tumakbo sa mas mataas na posisyon, sino pang credible opponent for mayor ang puwedeng itapat kay Jinggoy Estrada?
Saan huhuguting pamilya ang tatapat kay Jinggoy?
Sa personal nating pananaw, hindi uubra dito si Dra. Honey Lacuna na alam naman ng lahat na di handa sa bigtime na banggaan lalo na laban sa political titans tulad ng mga Estrada.
Yes, the Estradas suffered the greatest casualties noong 2019 elections dahil wiped out halos ang buong lahi nila sa pulitika pero they are more ready to bounce back anytime sa political arena now that they have learned their bitter lesson.
Kung si Honey lang ang babangga kay Jinggoy, parang ibinigay na lamang nila kay Jinggoy ang lungsod ng Maynila on a silver platter.
Going back sa online sabong ni Atong Ang, ito umano ang pondo at puwersang gagamitin para magpanalo ng mga pulitikong magkakaloob ng “unlimited protection” sa kanyang mga negosyong semi-legal.
Papayag nga ba ang mga Manilenos sa senaryong ito kung saan mga hilaw na Pinoy ang magmamando sa takbo ng pulitika sa kabesera ng bansa?
It is for us to see!
Hangga’t subsob sa kahirapan ang majority sa mga taga-Maynila, hindi malayong makapangyari ang mga sinabi natin.
Kakapit at kakapit ang mga ito sa patalim at karisma ng kuwarta!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post Bakbakang Isko-Jinggoy sa Maynila, ikinakasa ni Atong Ang appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: