GINIBA nina Abanse Negrense’s Alexa Polidario at Erjane Magdato ang Sta Lucia A’s DM Demontano at Jackie Estoquia, 21-15,21-17, nitong Linggo para ma-sweep ang 2021 Gatorade – Philippine Superliga Beach Volleyball Challenge Cup.
Itinarak ni Policarpio ang malaking hits kabilang ang championship clinching attack para masikwat nila ni Magato ang kanilang ika-anim na tagumpay sa tatlong araw na paligsahan.
Abanse Negrense A ay nagwagi ng 3 matches sa group play, bago dinaig ang Tobys Sports at Sta Lucia B bago masungkit ang titulo laban sa Sta Lucia A.
Demontano at Estoquia ay nagkasya sa runner-up finish sa tatlong sunod-sunod na Challenge Cup.
Isang oras matapos mabigo sa knockout semifinals sa three sets,Jennifer Cosas at Gelimae Villanueva ng Abanse Negrense B dinaig sina Bang Pineda at Jonah Sabete ng Sta Lucia B, 21-13,22-20, para maangkin ang third place.
“Sabi namin kanina pag championship all out na talaga kami kaya yun all out ko talaga ginawa yung bawat puntos na yun,” Wika ni Polidario. “Basta championship bigay na talaga kasi go for gold yun talaga yung pinunta namin dito.”
“Malakas din silang kalaban. But, of course bilog din ang bola so lahat posible mangyari sa loob ng court tsaka ginawa lang namin yung best namin para sa championship game,” dagdag ni Magdato.
The post Abanse Negrense’s nangibabaw sa PSL beach volley appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: