Facebook

Veteran journalist Vic A. Endriga writes 30

VETERAN journalist Vic A. Endriga is dead.

Opo dear readers, sumakabilang buhay na po ang isa sa magagaling nating kasamahan sa hanapbuhay na si Ka Vic dahil sa “severe pain infection due to Pott’s disease.

Ayon sa FB post ng kanyang maybahay na si Elvie,sumuko ang katawang lupa ni Ka Vic after seventeen (17) days of painful confinement sa isang ospital.

Di man natin talos ang eksaktong edad ng mama, batid nating lagpas na ito ng sesenta anyos.

To our estimate, nasa mid-60s na si Ka Vic

Huling aktibong pagtupad sa tungkulin ni Ka Vic bilang print and broadcast journalist ay ang kanyang ‘taping’ ng kanayng bagong programa sa Elizalde Broadcasting Corporation entitled DOUBLE BARREL ON AIR kung saan inere ito a day after mapasok sa pagamutan ang beteranong mamamahayag.

Aktibong kolumnista rin si Ka Vic ng dalawang pang tabloid; MATA NG MASA-Dyaryong Pinoy at Pilipinas Star Ngayon kung saan siya ang pinaka-senior columnist at editorial consultant.

Napakaraming pahayagan ang pinangasiwaan ni Mr. Endriga (broadsheet at tabloid).

Si Ginoong Endriga rin ang publisher/editor-in-chief ng KONTRA Newspaper kung saan ang punong tanggapan nito ay nasa National Press Club (NPC) Building, Intramuros, Manila.

Isang mabait at mapagmahal na padre de pamilya at asawa si Ka Vic.

Ilang sa mga kaklase ni Ka Vic sa Lyceum of the Philippines ang nanghihinayang sa yumaong peryodista/brodkaster dahil sa angkin nitong husay sa pagsusulat ng matatapang at napapanahong tema sa mga kolum nito sa iba’t ibang pahayagan.

Isang political operator si Ka Vic at nagging deputy Secretary General ng United Nationalist Alliance (UNA) , partido ni dating Vice President Jejomar Binay nang tumakbo ito noong 2016 presidential elections.

Isa si Ka Vic sa mga think tanks ng nasabing partido.

Bagamnat di pinalad na manalong president si Binay, napatunayan ni Ka Vic ang kanyang galing sa pagiging effective at credible PR man.

Inaantabayanan ng mga netizens sa social media ang mga FB post ni Ka Vic na tumatalakay sa mga kaganapan sa takbo ng pulitika hindi lamang ditto sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Ngayong ngang nilisan na tayo ni Ka Vic at bumalik sa kaharian ng Dakilang Lumikha, isang taos-pusong pakikiramay po ang arting ipinaaabot sa pamilya at mga mahal sa buong ng tinaguriang moog ng old school Pinoy journalism kung saan kredibilidad at prinsipyo ang pangunahing sinusunod na adhikain.

Paalam Ka Vic!

Ang buong industriya ng pamamahayag ay nakikidalamhati sa iyong paglisan.

Till we meet again my dear friend!

Salamat sa mga ala-ala at masasayang oras ng pinagsamahan!

***

BEERHOUSES SA SUN VALLEY, PARANAQUE, MULING BINATIKOS

Makaraang talakayin natin ang isyu sa mga nagsulputang beerhouses sa Barangay Sun Valley diyan sa Paranaque City, pinagkalooban po tayo ng ilang concerned citizens ng nasabing lugar ng ilang larawan na nagpapakita ng presensiya ng ilang kabataan na ang edad ay below 10 years na pinapayagang makapasok sa mga beerjoints na ito kasama ang kanilang mga magulang.

Ang matindi pa dito,may ilang unipormadong pulis-Paranaque at mga tanod ng Sun Valley ang nagbabantay sa mistulang tiangge na ito na may mga inuman nga.

Malinaw na isa itong glaring violations sa mga health protocols ng IATF.

Mismong si Barangay Kapitan Cortez pala ang nasa likod ng kabulastugang ito na talaga naming kinokondena ng marami sa mga residente ng nasabing barangay kung saan direktang nagugumon sa bisyo ng pag-inom ng alak ang kanilang mga menor de edad na mga anak.

Paging Mayor Edwin Olivarez, saradong tauhan mo daw at kaalyado sa pulitika itong si Kap Cortez, baka puwedeng mo naming pagsabihang itigil na ang mga katarantaduhang ito na bukod sa nakakaperwisyo sa mga kabataan ng Sun Valley ay isang tahasang paglabag sa health protocols ng pamahalaan sa ilalim ng pandemya!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post Veteran journalist Vic A. Endriga writes 30 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Veteran journalist Vic A. Endriga writes 30 Veteran journalist Vic A. Endriga writes 30 Reviewed by misfitgympal on Marso 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.