ESTADOS Unidos vs. China – ito ang larawan ng halalan pampanguluhan sa 2022. Sa ayaw o hindi, magtutunggali ang dalawang puwersa sa mundo sa Filipinas. Demokraya laban sa awtoryanismo. Kinakatawan ng Estados Unidos ang demokrasya, awtoryanismo sa China.
Plan A ni Rodrigo Duterte na patakbuhin si Sara Duterte, ang kasalakuyang alkalde ng Davao City. Siya ang magliligtas kay Duterte sa santambak na asunto na haharapin niya sa pagtatapos ng kanyang terminto sa ika-30 ng Hunyo, 2022. Kung hindi umubra si Sara, hindi kami magtaka kung kalabitin ang matapat na alalay at utusan, Bong Go. Gagawin ni Bong Go ang lahat para kay Rodrigo – kahit kumain ng tae.
Kung hindi umubra sinuman kay Sara o Bong Go, maaaring hugutin ni Rodrigo ang kanyang Plan C – si Alan Peter Cayetano. Maaaring umangal si Sara at Bong Go dahil pareho nilang hindi kasundo si Cayetano. Maaaring hilutin ni Rodrigo si Bongbong Marcos na siyang kakatawan ng kanyang Plan D. Kung talagang walang-wala, puede niyang sagarin ang Plan E at patakbuhin si Bebot Alvarez.
Sila ang puwersa ng awtoryanismo sa bansa. Sila ang pilit na winawasak ang demokrasya sa bansa. Galit sila sa Saligang Batas at pangingibabaw ng batas (rule of law) at tamang proseso (due process). Wala silang tiyaga sa prinsipyo ng tamang pamamahala (governance), katapatan sa serbisyo, at pananagutan (accountability.) Mahilig sila sa short cut at hindi sila handa na umako ng responsibilidad sa serbisyo publiko.
Kakampi nila ang China, sa totoo lang. Handa nilang ibenta ang sariling katawan at kaluluwa sa ipagbubunyi ng China. Salat sila sa anumang prinsipyo at pangunahin sa kanilang hangarin ang manalo sa halalan at maluklok sa Malakanyang. Mandaraya upang makuha ang minimithi at hindi sila mangingimi lumuhod sa China basta manalo lang. Bukod diyan, makiling sila sa pasismo o ang paggamit ng dahas ng estado para makuha ang kanilang gusto.
Nasa gitna ang ilang kandidato na hindi malinaw ang kinakatawan. Nandiyan si Manny Pacquiao, ang ambisyosong boksingero, Dick Gordon at Ping Lacson na pawang hindi maintindihan kung ano ang nais sa buhay, ang negosyanteng Ramon Ang na nagbabantang sumabak sa 2022. Hindi sila isda at lalong hindi sila hayop panlupa. Maririnig paminsan-minsan ang kanilang mga atungal kahit hindi maintindihan.
Nasa kabilang ibayo ang puwersa ng demokrasya. Sila ang nagtataguyod ng mga demokratikong halagahin (values) tulad ng pagsunod sa Saligang Batas, ang pangingibaw ng batas sa lahat ang oras, at malayang halalan. Itinatakwil nila ang pasismo ng estado at itinataguyod ng walang pag-iimbot ang simulain ng karapatang pantao, pagbabago sa panahon (climate change) at kapakanang pambata (children’s welfare).
Iisa lang ang puwersang tumatayo sa mga ganyang simulain. Ito ang pinagsanib na puwersa ng Liberal Party, Magdalo, Akbayan, at ilang maliliit ng grupo at organisasyon. Sila ang puwersa ng demokrasya sa bansa. Sila ang oposisyon; sila ang totoong oposisyon sa laban. Nagkakaisa ang puwersa ng demokrasya at kanilang ipinahayag na iisa lamang ang kandidato ilalaban sa 2022. Malaki ang posibilidad na si Bise Presidente Leni Robredo ang ilalaban bagaman bantulot pa si Leni. Gayunpaman, nagkakasundo sila na isa lamang ang kandidato ng oposisyon.
Malinaw na iiwasan nila ang sitwasyon na may tampalasan sa kanilang hanay, o Grace Poe. Mas nagkakasaisa ang oposisyon ngayon, ayon sa mga nakakalam sa galaw ng mga lider sa kanilang hanay. Walang gagambala na Grace Poe sa kanila. Kahit na ipinagdiinan niya na walang ibang sunusuportahan ang Estados Unidos kundi ang kanilang hanay. Kasi sila ang nagtataguyod ng demokrasya sa bansa. Hindi sila makiling sa Chna.
Hindi natin alam kung paano papasok upang tulungan ang puwersa ng demokrasya sa bansa. Nasa detalye ang demonyo. Ngunit alam natin na nagkaroon ng foreign policy shift ang Estados Unidos. Hindi siya pabor sa pangingibabaw ng China sa Silangang Asya. Inumpisahan ito sa paglalagay ng puwersang pandagat sa South China Sea na kinakamkam ng China at pagbibigay proteksyon sa Taiwan.
Plano ng Estados Unidos na impluwensiyahan muli ang liderato ng Filipinas. Kaya mahalagang mapatalsik ang lideratong pro-China sa halalan sa 2022. Kailangan tapatan ang Grupong Davao at ang plano ni Duterte na magtakbo ng pro-China na kandidato. Hindi natin alam kung paano gagawin ng Washington ang ganitong plano. Isang hakbang ang kausapin ang grupo ni Duterte na huwag maglagay ng kandidato sa 2022. Kapag pumalag ang tila baliw na lider, bakbakan na. Katakot-takot na bakbakan sa halalan.
***
ISINULAT ko noong Linggo ang balitang ito:
LENI CLARIFIES ISSUE ON CHINESE VACCINE
FRONTLINE health workers of the state-owned Philippine General Hospital were opposed to the use to the Chinese vaccine Sinovac because it has yet to undergo the required process for public use, Vice President Leni Robredo today said.
In her weekly interview in the radio program “Biserbisyo” with radio host Ely Saludar, the Vice President said Sinovac has yet to be approved by the multi-disciplinary Health Technology Assessment Board (HTAC), which the Universal Health Care Law has empowered to look into incoming vaccines.
Robredo mentioned Pfizer and AstraZeneca has been approved for public use by HTAC, but the Duterte administration wants exemption from HTAC approval since the incoming doses of Sinovac vaccine were “donated.”
“It’s not because the vaccine comes from China. It’s not the issue. It’s because it did not undergo the usual approval process,” Robredo said.
Sinovac has obtained the required emergency use authority from FDA, but it has yet to undergo a deeper study and scrutiny by the HTAC, Robredo said. “We’re dealing with life. This is not an ordinary thing,” she said in Tagalog.
Robredo also acknowledged the anti-pandemic vaccines were developed and rushed to the point even vaccine makers did not know their side effects. She said she knew drug makers usually take years to develop a single efficient vaccine for public use.
According to its website, the Health Technology Assessment Council (HTAC) is an independent advisory body created under the Republic Act 11223, otherwise known as the Universal Health Care Act, with the overall role of providing guidance to the Department of Health (DOH) and the Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) on the coverage of health interventions and technologies to be funded by the government.
The post ‘Proxy war’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: