Facebook

Alex Eala sasabak sa $60,000 Swiss tourney

PUNTIRYA ni Alex Eala na sumabak sa 2021 Miami Open sa W60 Belinzona tournament sa susunod na buwan sa Switzerland.
Ang Swiss outdoor claycourt event, ay may nakatayang total prize money na $60,000, ang pinakamalaking International Tennis Federation (ITF) tournament kung saan si Eala ay makikita na naglalaro matapos ang stints sa $15,000 at $25,000 events.
Ang paligsahan ay nakatakda sa April 5 to 11.
Kabilang sa listahan na nakapasok sa main draw ay sina world No.99 Ana Bogdan ng Romania at World No. 104 Viktoria Kuzmova ng Slovakia – parehong player na dumaig sa kanya sa first round qualifying ng Miami Open.
Eala,na edad 15 sa kanyang unang Women’s Tennis Association (WTA) tournament, ay impresibo sa kabila na natalo nakaraang Martes, March 23, na wild card entry sa qualifying.
Sa online interview, sinabi ni Eala na ang kanyang pagsali sa Miami ang nagbigay sa kanya ng sulyap” how professionals step up and do even better in moments where a junior would choke or do a double fault”.
Eala, ranked No. 736, ay umaasa na kuminang sa Swiss tournament na puntirya ang kanyang ikalawang pro title mula noong manalo sa W15 Manacor event noong Enero.

The post Alex Eala sasabak sa $60,000 Swiss tourney appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Alex Eala sasabak sa $60,000 Swiss tourney Alex Eala sasabak sa $60,000 Swiss tourney Reviewed by misfitgympal on Marso 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.