Facebook

Hidilyn Diaz kakasa sa Tokyo Olympics kahit walang manonood na kaanak

SASABAK si Filipina weight lifter Hidilyn Diaz sa Tokyo Olympics kahit na walang manonood na kamaganak at kaibigan.
Kasunod ito ng naging desisyon ng Olympic organizers na bawal muna manood ang personal ang mga nasa ibang bansa dahil sa banta pa rin ng COVID-19.
Sinabi ni Diaz na nalungkot siya sa desisyon ng organizers pero naiintindihan niya ito.
Marami aniya itong mga kaibigan na nais manood ng makasaysayang kabanata sa kaniyang buhay.
Target ngayon ni Diaz na ma-improve niya ang kaniyang performance noong Rio Olympics kung saan nakakuha ito ng silver medal.
Maisasapormal naman na nito ang pagsali sa Tokyo Olympics sa nakatakdang pagsabak nito sa Asian Weightlifting Championsip sa Tashkent, Uzbekistan sa darating na Abril 16 hangang 25.

The post Hidilyn Diaz kakasa sa Tokyo Olympics kahit walang manonood na kaanak appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Hidilyn Diaz kakasa sa Tokyo Olympics kahit walang manonood na kaanak Hidilyn Diaz kakasa sa Tokyo Olympics kahit walang manonood na kaanak Reviewed by misfitgympal on Marso 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.