Facebook

Amoy singit

PUMALAG ang mga mayor sa ipinalabas na show cause order sa kanila ni Department of Local Goverment (DILG) Usec. Epimaco Densing II sa umano ay pagsingit nila sa pila sa pagpapabakuna. Hindi umano sumunod sa tamang protocol ang mga mayor at nauna pa magpabakuna sa mga frontline health workers na unang dapat mabakunahan.

Show cause order kaagad ang pinalabas ni Usec. Densing base sa napaulat na pagpapabakuna sa Parañaque City ni Mark Anthony Fernandez na umano ay hindi kabilang sa mga frontliner sa pakikipaglaban sa CoVid-19. Aniya, hindi sinunod ng Punong Lungsod at ibang opisyal ang listahan sa top priority list na itinakda ng Department of Health (DOH). Inuna pa mabakunahan ang kanilang sarili at mga taong malalapit sa kanila, ani Densing.

Kabilang si Parañaque Edwin Olivares sa ipinatatawag ni Densing sa posibleng kasong administratibo na kakaharapin nito sa pagpayag na mabakunahan si Mark Anthony Fernadez. Tila command responsibility ang pinupunto.

Sa kabila nito, nagpalabas ng pahayag ang Parañaque City Health Office na wala silang nilabag na batas nang bakunahan nila si Fernandez. Hindi pa rin nabakunahan si Mayor Olivarez. Mukhang mali ang asinta ni Usec. Densing.

Ayon kay Dr. Olga Virtucio, City Health Officer, natapos nilang bakunahan ang lahat ng city health workers na nagparehistro ay sinimulan nila bakunahan ang mga senior citizen, mga mayroon comorbidity at persons with disability (PWD).

Paliwanag ni Vertucio, kabilang ang aktor na may comorbidity dahil dumaan ito sa pagsusuri bago maaprubahan na maisama sa listahan ng quick substitution list (QSL). Handa umano humarap ang Parañaque health office na humarap sa gagawin imbestigasyon ng DILG. Kumpyansa sila na wala sila nilabag sa ibinabang talaan ng priority sectors sa ilalim ng National Deployment and Vaccination Program.

Hindi maiwasan maglaro sa isipan ng mga mamamayan ng Parañaque na ito ay bahagi ng maagang pamomolitika ni Usec. Densing na napabalita na tatakbo bilang senador. Mali diumano ang bulong kay Rodrigo Duterte, dahilan ng biglang pag-aalboroto sa telebisyon ng tila bangag na pangulo noong Myerkules ng gabi. Matatandaan na nagharap si Mayor Edwin Olivares at Usec. Epimaco Denseng II sa halalan bilang kinatawan ng lungsod. Natalo si Denseng. Mali ang sisingit sa pila ng pagpapabakuna. Ngunit ito ay mangangamoy singit kapag hinaluan ng politika.

***

Mukhang umabot na sa sukdulan ang galit ng taongbayan nang biglang ipahayag ng Malacañang na isailalim ang mga piling lugar sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) bunsod ng hindi mapigil na pagtaas ng kaso ng CoVid-19 base sa nababasa sa social media, ang tanging platporma ng taongbayan upang ipahayag ang kanilang poot sa tila bangag na pangulo. Wala na kaming makapitan, ani Aling Lumen, pagkatapos na umiskapo pauwi ng Davao ang kaniyang dating idolo upang ipagdiwang ang kaniyang kaarawan.

Umabot na sa halos 10,000 ang nagpopositibo sa sakit araw araw. Wala sila nakikita na liwanag kung kailan matatapos ang paghihirap pagkatapos isang taon na pagyayabang at pagmumura sa telebisyon ni Rodrigo Duterte tuwing lunes ng hatinggabi. Nakakadagdag pa ang paglabas ng mukha ni Herminio Roque at ng numero uno senador Salvador Panelo na tila nangungutya.

***

Email:bootsfra@yahoo.com

The post Amoy singit appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Amoy singit Amoy singit Reviewed by misfitgympal on Marso 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.