Facebook

Ang katotohanan…

HIHIMAYIN natin ngayon kung sino ang nagsasabi ng totoo at nagpapalusot base sa mga detalye at ebidensiya sa bawat isyu.

Sa isyu ng inutang na P126.75 billion para panlaban sa Covid-19, ipinaliwanag nina Pangulong Rody Duterte at Finance Sec. Carlos Dominguez na ang pera ay wala sa kanilang mga kamay kundi ito’y nasa bangko. Ang bangko, anila, ang magbibigay nito sa vaccine makers pagka-deliver ng bakuna sa Pilipinas.

Sabi ni Senadora Risa Hontiveros, ang paliwanag na ito nina Duterte at Dominguez ay “half truth”, kalahati lang ang totoo.

Aniya, hindi niya inuungkat ang pera na nasa mga bangko, ADB, AIIB, World Bank, pa para pambayad sa mga bakuna. Pero higit kalahating trilyon pa ang inutang na sinasabing para sa Covid-19 response. “Where’s the rest of it, kailan natin mararamdaman yan?”.

Sa public documents ng Departent of Budget and Management (DBM), P570 billion ang nagastos ng bansa laban sa pan-demya.

“The proof is on the ground. Wala pang free mass testing, national contact tracing system at fully equipped isolation centers. Dapat doon napunta yung pera. That is what we are looking for and that is why we need a special audit.”

Tumpak rito si Hontiveros. Half truth nga ang paliwanag nila Pangulo at DBM Sec.

***

Birada ni Presidential Spokesman, Atty. Hirminio “Harry” Roque, ginagamit ng mga kritiko ng administrasyon ang pandem-ya dahil malapit na ang eleksyon. Namumulitika lang ang mga ito, aniya.

Pero ang katotohanan, kampo ng administrasyon ang namumulitika na. Panay na ang ikot kahit ipinagbabawal ang mass gatherings at pagkabit ng tarpaulins kahit lockdown sa kungsaan-saang main roads, pati mga gusali ng gobierno ay nilalagyan ng tarps. Mababasa mo sa mga nakabalandrang tarps ang ‘Run Sara, Run 2022’ at ‘Duterte-Duterte 2022’. Nakunan pa ng larawan si Roque na may hawak na tarpaulin ng ‘Run Sara, Run’ sa isang okasyon.

***

Sa kanyang lingguhang public address Lunes ng gabi, Marso 22, sinabi ni Pangulo na hindi siya sang-ayon sa batas tungkol sa ‘indemnification’ o bayad-pinsala na hiningi ng manufacturers ng bakuna dahil ‘unfair’ daw ito sa gobierno.

Sagot naman ni Senador Franklin Drilon: “Unbelievable… We passed it. He signed it. He said there is a need for a law. There is a law.”

Lasing siguro si Pangulo nang hingin niya sa Kongreso ang batas sa ‘bayad-pinsala’ kaya ‘di n’ya maalala na siya ang humi-rit noon. Hehehe… At maari niya namang i-veto yun noon kung ‘di niya nagustuhan ang pagkapanday ng kongreso sa naturang batas eh, right? Pasmado na yata ang utak ni Pangulo. 76 anyos na kasi.

***

Muling inulit ni Pangulo sa kanyang weekly public address na galit na galit siya sa korapsyon. Isumbong lang aniya sa kanya ang mga kulimbat sa gobierno at kaagad niyang sisipain.

Sus! Limang taon nang nagnanakaw ang kanyang mga bata, wala namang nakulong. Yung mga inalis niya sa puwesto inilipat lang. Remember ex-Sec Wanda Teo ng Tourism, ex-BoC Comm at BuCor Dir. Nicanor Faeldon, ex-Justice Sec. Vitaliano Aguirre na nasa Napolcom ngayon, ex-PhilHealth Chief Ricardo Morales, Health Sec. Duque, who else? May nangyari ba sa mga isyu ng pandarambong laban sa mga ito? Waley! Nilinis pa ni Pangulo ang kanilang pangalan. ‘Di raw korap! Hahaha…

Yung mga nakulong sa pandarambong sa nakaraang administrasyon na sina ex-Pres. GMA, Sen. Bong Revilla napawalang sala. Ang kaso ng pandarambong kontra ex-Sens. Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada na kanyang mga kapanalig hindi na umuusad sa graft court. Nakapagpiyansa pa sila!

Yan ba ang pangulong galit sa korap?

The post Ang katotohanan… appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ang katotohanan… Ang katotohanan… Reviewed by misfitgympal on Marso 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.