SA nakalipas na unang tatlong araw ng pagbabakuna kontra Covid-19, wala pa yatang tatlong libo ang nagpatu-rok ng China made vaccine na Sinovac.
Sa unang araw, Marso 1 (Lunes), ay 756 lamang ang nagpatu-rok sa healthcare workers – 128 sa Philipine General Hospital, 85 sa Tala Hospital, 20 sa LCP, 353 sa VMMC, 60 sa VLMC, 110 sa PNPGH.
Kinabukasan, Martes, hindi rin umabot sa isanlibo ang mga nagpaturok sa iba’t ibang hospital sa Metro Manila.
Ganundin nitong Miyerkoles, hindi rin umabot sa 1,000 ang nagpabakuna.
Ewan lang sa Visayas at Mindanao, wala pa akong datus. Pero mukhang hindi rin interesado ang maraming healthcare workers na magpaturok, wala pang lumalabas sa social media na nagpa-paturok eh.
Ang Sinovac vaccines na donasyon ng China ay 600,000 doses. 500,000 dito ay para sa healthcare workers at ang 100,000 ay sa uniformed personnel tulad ng PNP, AFP, BJMP at BFP.
Sa tingin ko kahit 100,000 ay ‘di aabot ang bilang ng mga magpapaturok ng bakunang Sinovac.
Batid kasi ng marami sa atin na ang mga gawang China ay substandard, di perpekto ang pagkagawa. Totoo naman… dahil mismong ang Food and Drug Administration (FDA) ay nag-abiso na hindi advisable sa healthcare workers at senior citizens dahil mababa ang efficacy nito at wala pang aprubal ng Health Technology Assessment Council (HTAC), ang sangay ng gob-yerno na nagbubusisi sa mga bakuna upang matiyak ang bisa at walang delikado sa kalusugan ng naturukan.
Ang Sinovac vaccine ay binigyan ng permiso ng FDA para lamang sa emergency use. Para raw hindi maging severe Covid-19 kapag ikaw ay minalas na mahawaan.
Kasi ang hinihintay na bakuna ng ating mga kababayan ay ang Moderna, Pfizer at AstraZeneca na mga gawang US at UK na mas mataas ang efficacy at ligtas para sa lahat partikukar seniors.
Sabi ng gobyerno, na nangutang ng ilang bilyong piso para pambili ng mga naturang dekalibreng bakuna, sa ngayon ay wala nang available sa market, pinakyaw raw ng mayayamang bansa. Eh bakit ang pinakamahirap na bansang Bangladesh ay nakapag-angkat?
Yes! Ang mga karatig bansa natin na Thailand, Vietnam, Malaysia, Indonesia, Myanmar ay halos nasa kalagitnaan narin ng kanilang vaccinations kontra Covid-19. Tayo sa Pilipinas, wala pang 3,000 ang nababakunahan mula Marso 1. Tsk tsk tsk…
Again, hinihikayat ko ang ating mga kababayan na magpabakuna kontra Covid-19. Pero kung wala kayong tiwala sa mga bakunang gawang China, sige lang… Its your choice. Mag-ingat nalang tayo habang inaantay ang gusto nating bakuna. Keep safe, mga suki!
***
Habang patuloy na tumatanggi si Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagtakbong pangulo sa 2022, gumagawa naman ng ingay si Senador Manny Pacquiao.
Inaatake na ni Pacquiao ang gobyerno. Kaya raw maraming rebelde ay dahil sa grabeng korapsyon. Kailangan aniya mawala lahat ng korap sa gobyerno para umunlad ang Pilipinas.
Tama ang lahat ng sinasabing ito ni Pacquiao. Ganito rin ang isinisigaw noon ni Rody Durerte nung kandidato siya, kaya siya nanalo. Pero nang maupo, karamihan ng itinalaga ay nangulimbat lang, at pinalaya pa ang mga nakakulong sa pandarambong.
Sabi ng bespren ni Duterte na si Ramon Tulfo, beteranong kolumnista, ang Duterte administration ang pinaka-korap sa lahat ng administrasyon simula kay Ramos, Estrada, Arroyo at Aquino.
Kaya dapat, pag naging Pangulo si Pacquiao, iwasan niyang magtalaga ng mga opisyal ng mga nakaraang administrasyon. Magtalaga siya ng mga katulad ni Mayor Vico Sotto. Mismo!
The post Ayaw talaga sa China made vaccine appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: