NASAGIP ang isang Taiwanese na biktima ng kidnapping sa ParaƱaque City nitong Martes ng umaga.
Nagpadala ng reklamo sa opisina ng hepe ng Philippine National Police ang kinatawan ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO) Police AttachĆØ ng Taiwan Embassy na dinukot ang isang Taiwanese national sa Makati City nitong Lunes.
Nakikipag-ugnayan sa kanila ang biktima sa pamamagitan ng text message.
Natunton ang kinaroroonan ng biktima sa 28th floor ng isang gusali sa ParaƱaque City. Mag-isa lang ang biktima nang makita ng mga pulis.
Sa ulat, Pebrero 26, 2021 nang mag-apply ang biktima ng trabaho sa pamamagitan ng isang mobile app sa isang social media platform na pinapatakbo ng isang Chinese company.
Nasa 13,000 RMB ang napagkasunduang sweldo. Sa araw ding iyon, sinundo siya ng isang Pinoy driver at umano’y Chinese na empleyado ng nasabing kompanya.
Dinala ito sa isang hotel sa Pasay City para ma-quarantine.
Matapos ang 2 araw, sinundo siya ng grupo ng mga Chinese at dinala sa Las PiƱas City.
Sinabihan din umano siya na ibinebenta siya sa halagang 30,000 RMB para sa isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) company.
Nitong Marso 1, muli na naman umanong ibinenta ang biktima sa halagang 30,000 RMB sa isa pang POGO company.
Napag-alaman ng awtoridad na ang unit at ang buong palapag kungsaan natagpuan ang biktima ay isa sa isolation facilities ng nasabing POGO company para sa kanilang mga magiging empleyado.(Gaynor Bonilla)
The post Taiwanese dinukot at ilang beses ibinenta sa POGO company appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: