Facebook

Ayel Estranero lumagda sa Cignal bago ang PVL Opening

TINAPIK ng Cignal ang ace setter Ayel Estarnero para maglaro sa Premier Volleyball League Open Conference sa ilalim ng bubble format ngayon summer sa Inspire Academy sa Calamba, Laguna.
Inanunsyo ng HD Spikers nitong Huwebes ang pagpapirma sa dating University of the Philippines playmaker isang araw matapos opisyal na sumanib sa PVL.
Si Estranero ay bahagi ng binuwag na Motolite women’s volleyball team, kung saan siya naglaro ng dalawang conference.
Ang Cignal ay nakakuha ng malaking tulong na si Estranero ay nakatakdang makapartner ang Fil-Am setter Alohi Robins-Hardy sa pag orkestra ng plays para sa spikers Rachel Anne Daqui,Fiola Ceballo,May Luna,Janine Marciano at middle blocker Ranya Musa at Roselyn Doria.
Naglaro si Estranero ng kanyang final playing years sa UP noong 2019. Bahagi siya ng Lady Maroons Final Four run sa 2016 at nagdeliver ng championship-clinching ace sa kanilang PVL Collegiate Conference 2018 na pumutol sa 36-taon na tagtuyot sa volleyball title ng universidad.

The post Ayel Estranero lumagda sa Cignal bago ang PVL Opening appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ayel Estranero lumagda sa Cignal bago ang PVL Opening Ayel Estranero lumagda sa Cignal bago ang PVL Opening Reviewed by misfitgympal on Marso 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.