KAILANGANG tapatan ng Davao Occidtal Cocolife Tigers ang trapping defense at sniping offense ng defending champion San Juan Knights para mahablot ang bentahe sa serye sa game3 ng best-of-five Lakan Cup ng Maharlika Pilipinas Basketball League ngayong gabi sa Subic Bubble, SBMA, Olongapo City.
“Dapat tayo ang agresibo.Neutralize ang trap at kailangang pumutok ang long bombs ng Tigers natin.Big adjustments, kaya natin yan”,pahayag ni deputy team manager Ray Alao.
Ang Tigers ni team owner Rep.Claudine Bautista ng Davao Occidental na suportado nina Cocolife president Atty .Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Franz Joie Araque ay nahablot sng game one ng serye pero rumesbak ang San Juan sa game 2 na parehong dikit ang laban.
Sasandig muli ang Tigers sa pamumuno ni slotman Mark Yee kaagapay sina Billy Robles, Bonbon Custodio, Emman Calo. Kenneth Mocon, Yvan Ludovice Marco Balagtas, Joseph Terso,Gerwin Gaco kontra fronliners ngKnights Ayonayon, Jonnard Clarito,John Wilson, Larry Rodriguez atbp.
Krusyal na laban ang game3 kung saan ang mananaig ay malaki ang tsansa para sa. decider ng national crown.(Danny Simon)
The post BAGONG GAMEPLAN NG DAVAO COCOLIFE IKAKASA NGAYON VS SAN JUAN appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: