Facebook

Maanomalyang kontrata ng sports complex ng Sta Rosa, idinulog sa Malacanang

Idinulog na sa Malacanang ang reklamong graft na iniharap sa Ombudsman laban sa alkalde ng Sta. Rosa, Laguna na may kaugnayan sa kahina-hinalang konstruksyon ng Sports Complex.
Ipinaabot na sa kaalaman ng Office of the President ang naturang kaso laban kay Mayor Arlene Arcillas sa pamamagitan ng presidential complaint center.
Nag-ugat ang demanda ng isang Renato Alinsod, dahil sa maanomalyang kontrata sa pagtatayo ng sports complex noong 2013.
Bukod sa alkalde, isinama din sa kaso ang city engineer na si Lauro Reyes, chairman ng Bids and Awards Committee (BAC) at Cedric Lee, Pangulo ng Izumo Contractor.
Ayon sa record, July 17 pa ng taong 2016 nang i-file ang kaso subali’t nanatiling nakatengga lamang ito sa bakuran ng Ombudsman.
Nagkakahalaga ang sports complex ng Sta Rosa ng halos P680 milyung piso at ang kontrata nakuha ng kompaniya ni Lee.
Bukod dito, inaward ang proyekto kahit wala umanong approval mula sa Sangguniang Pang-lungsod ng Sta Rosa.

The post Maanomalyang kontrata ng sports complex ng Sta Rosa, idinulog sa Malacanang appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Maanomalyang kontrata ng sports complex ng Sta Rosa, idinulog sa Malacanang Maanomalyang kontrata ng sports complex ng Sta Rosa, idinulog sa Malacanang Reviewed by misfitgympal on Marso 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.