Facebook

Bong Go sa publiko: ‘Wag magsisihan sa gitna ng pandemya

SA kabila ng bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, igiiit ni Senator Christopher “Bong” Go sa publiko na suportahan ang whole-of-nation efforts laban sa pandemya sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga awtoridad at pagsunod sa health protocols laban sa COVID-19.

“Tulungan n’yo na lang po ang ating gobyerno. Ginagawa po ng gobyerno ang lahat. ‘Di po makakatulong ang paninisi, wala pong maidudulot na kabutihan ‘yan,” sabi ni Go matapos pangunahan ang pamamahagi ng ayuda sa 1,000 TODA members at 650 families na naapektuhan ng Typhoon Yolanda sa Tacloban City nitong Huwebes.

Idiniin ni Go na bayanihan at pagkakaisa ang kailangan upang malagpasan ng bansa ang mga hamon na dulot ng pandemya.

“Kailangan natin ito malagpasan na nagkakaisa tayo bilang Pilipino. Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo lang po,” ani Go.

Sinabi ng senador na binabalanse ng gobyerno ang lahat dahil ayaw nitong mawalan ng trabaho ang mga Filipino,”

“Tulad po dito, mga market vendor natin, fisherfolks, hirap po talaga sila sa kanilang kabuhayan. Kaya po tayo narito ngayon para makapagbigay ng konting tulong sa kanila. Subalit kailangan natin magtulungan. Disiplina po ang kailangan,” anang mambabatas.

Para mapigil ang muling pag-akyat ng bilang ng COVID-19 infections, sinang-ayunan ng gobyerno ang muling pagsasara ng borders sa mga foreign travelers at nilimitahan ang bilang ng mga Pinoy na uuwi sa bansa simula Sabado, March 20.

Ang bilang ng overseas Filipino workers na papapasukin sa bansa ay lilimitahan sa 1,500 kada araw.

Ipatutupad din ang granular lockdowns, curfews at stay-at-home-order sa mga nasa 18-anyos at 65-anyos.

Sa mga ospital, inire-require sa bawat indibidwal na kumuha ng swab test bago sumailalim sa check-up ng doktor o i-admit sa pagamutan.

“Ako naman, bilang Committee Chair (ng Senate Committee on Health), pag-aralan natin ito. Kakausapin ko po si Secretary Duque… mas alam ng doktor ang ginagawa nila kaya magtiwala tayo sa mga eksperto at tulungan natin sila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga patakaran,” paliwanag ni Go.

“‘Wag natin sayangin ang inumpisahan natin noon. Naranasan na natin — nag-ECQ na tayo, nakailang pagsasara na tayo ng negosyo, nakailang pagtigil na tayo ng trabaho. Hindi na tayo pwedeng bumalik dun dahil hirap po ang ating mga kababayan,” ayon sa senador. (PFT Team)

The post Bong Go sa publiko: ‘Wag magsisihan sa gitna ng pandemya appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go sa publiko: ‘Wag magsisihan sa gitna ng pandemya Bong Go sa publiko: ‘Wag magsisihan sa gitna ng pandemya Reviewed by misfitgympal on Marso 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.