Facebook

Pagpaslang sa mga abogado, kinondena ni Bong Go; ‘wag ibintang kay PDuterte

BINATIKOS ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagtaas ng bilang ng mga pinapaslang na abogado sa bansa kasabay ng panawagan sa mga Filipino na makiisa at makipagtulungn sa pamahalaan na maresolba ang isyu.

Sa panayam, sinabi ni Go na maging si Pangulong Rodrigo Duterte na isa ring abogado ay nababahala dahil batid ng chief executive ang mahalagang papel ng mga abogado sa justice system ng bansa.

“Huwag natin ibintang sa gobyerno o kay Pangulong Duterte [the killing of lawyers]. Abogado rin po ang ating Pangulo and I’m sure di po siya papayag na mayroong mamamatay na abogado,” ani Go.

“Ako naman kinokondena ko po ‘yun na may namamatay,” sa pagsasabing ang nasabing karahasan ay hindi kinukunsinti o iniuutos ng gobyerno.

Sa tala na inilabas ng Free Legal Assistance Group nitong Miyerkoles, nasa 61 abogado, hukom at prosekyutor ang napapatay na simula 2016.

Ayon sa grupo, 43% ng killings ay “deemed work-related” o may kinalaman sa legal profession ng mga biktima.

Sinabi ni Go na ang walang basehang akusasyon at pagbibintang laban sa gobyerno ay lalo lang nakasasakit sa pagsisikap ng bansa na labanan ang iba’t ibang pambansang isyu, gaya ng hamon na dala ng COVID-19 pandemic.

“Karapatan n’yo po magsalita, this is democracy, karapatan n’yo po i-criticize ang gobyerno, pero di po ‘yan nakakatulong,” ani Go.

“Tumulong na lang po tayo, tulungan n’yo po ang gobyerno, mas maa-appreciate po ‘yan ng tao, batikos di po ‘yan nakakain, criticize di nakakatulong pero ‘yung tulong, ‘yun ang kailangan ng kapwa,” ayon sa senador. (PFT Team)

The post Pagpaslang sa mga abogado, kinondena ni Bong Go; ‘wag ibintang kay PDuterte appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pagpaslang sa mga abogado, kinondena ni Bong Go; ‘wag ibintang kay PDuterte Pagpaslang sa mga abogado, kinondena ni Bong Go; ‘wag ibintang kay PDuterte Reviewed by misfitgympal on Marso 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.