Facebook

“Food boxes, ‘wag pulitikahin, ‘wag tenggahin” – Isko

“WAG ninyong pulitikahin, huwag ninyong tenggahin.”

Ito ang apela ni Manila Mayor Isko Moreno sa lahat ng kinauukulang barangay chairman sa kabisera ng bansa, matapos na makatanggap ng ulat na may mga chairman na pinupulitika at tinetengga ng maraming araw sa barangay hall ang mga food boxes na para sa kanilang nasasakupan sa halip na agaran itong ipamudmod sa mga residente.

“May nababalitaan kami na dumating na ngayon pero tatlong araw nasa barangay hall. Sa bawat minuto, oras at araw ng delay, may nagugutom. Ipairal n’yo sana sa inyong puso ang malasakit,” sabi ni Moreno na idinagdag din na ang distribusyon ng mga food boxes sa mga residente ay dapat na mas mabilis na dahil hindi na bago ang gawaing ito dahil ginagawa na ito simula pa lamang ng pandemya.

“Isang taon na natin ‘to ginagawa. Dapat praktisado na kayo. Wala na nga kayong gastos, laway at pawis na lang. Kung ilan ang sabihin ninyo binibigay naman namin. Mahirap ang gutom. ‘Wag nyo sana danasin ang dinanas ko na kumakain ng tira ng iba sa basurahan,” giit ng alkalde.

Hinimok ni Moreno na sa halip na maghanap ng dahilan kung bakit hindi naide-deliver ang mga food boxes ay dapat na maghanap na lang ng paraan ang mga opisyal ng barabgay kung paano ito makakarating sa mga residente sa mabilis na paraan.

Ayon kay Moreno, ang mga kawani ng lokal na pamahalaan ay nagdo-double time sa pagre-repack ng food supplies pero nababalewala dahil kapag nai-deliver na sa barangay ay tinetengga naman ng ilang chairman sa kanilang barangay hall.

“Time is of the essence. Andyan na food box, ibibigay nyo na lang. Wala na kayong tosgas inakap na ng syudad lahat ng gastusin dahil alam ko hirap ang barangay… all you have to do is deliver ASAP the moment you receive the boxes. Di ko maintindhan bakit tumatagal pa ng tatlong araw sa barangay hall. Di ba kayo naawa sa taong walang makain? Gaano ba kahirap i-deliver?” tanong nang nadismayang si Moreno.

“Nakikisuyo ako. The moment dumating, i- deliver nyo na agad. Kami, production, deliver. Not a single moment na malalagay sa bodega,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Moreno, bilang lider ng kanilang barangay, may obligasyon ang bawat chairman sa kanilang mga nasasakupan.

Pinasalamatan ng alkalde ang mga opisyal ng barangay na naging episyente sa pamamahagi ng food boxes lalo na iyong mga tapat na nagsauli ng mga sumobrang food supplies. (ANDI GARCIA)

The post “Food boxes, ‘wag pulitikahin, ‘wag tenggahin” – Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
“Food boxes, ‘wag pulitikahin, ‘wag tenggahin” – Isko “Food boxes, ‘wag pulitikahin, ‘wag tenggahin” – Isko Reviewed by misfitgympal on Marso 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.