Facebook

Speaker Romualdez nanguna sa pagbubukas ng CONGRESS TV, Quezon Rep. Suarez Deputy Speaker na

Sa naganap na paglulunsad ng Congress TV ng Mababang Kapulungan nahirang bilang Deputy Speaker si Quezon Rep. David “Jayjay” Suarez kapalit ni dating Batangas Congressman Ralph Recto na magsisilbi bilang Finance Secretary.

Pinamunuan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sa pakikipagtulungan ng state-owned People’s Television (PTV) Network, ang CongressTV, isang free-to-air channel na naglalayong ilapit ang Kapulungan sa mamamayan, at himukin ang aktibong partisipasyon ng sambayanan sa prosesong demokratiko.

Ipinaliwanag ni Romualdez na hindi lamang isang channel ang CongressTV kungdi isa itong tulay na nagdurugtong ng Kongreso sa bawat Pilipino.

Binigyang diin nito na ang aktibong pakikilahok ng publiko ay makakapukaw sa kamalayan ng mamamayan sa mga usapin, makilahok sa talakayan, at mabigyang kapangyarihan na makapili at makapagpasya.

“CongressTV indeed is our commitment to ensure that no Filipino is left in the dark, that every citizen is afforded a front row seat in the legislative process,” aniya.

Nanawagan si Romualdez sa sambayanan na hilingin ang mga pananagutan at lumahok sa demokratikong proseso, upang matiyak na ang kanilang mga alinlangan ay natatalakay sa bawat debate at batas.

“CongressTV is not just a one-way street. It is not just broadcasting what happens within the House. It’s about sparking conversations, about fostering a more interactive and participatory form of governance.

It’s about you, the people, having direct access to your representatives and the legislative process,” Ani pa ng House Speaker.

Samantala ipinahayag ni ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo na ang CongressTV ay isang plataporma na gagabay upang matiyak na ang bawat Pilipino, anuman ang kanyang katayuan sa lipunan, ay ganap na nakakabatid at nabibigyang kaganapan sa mga inisyatiba, polisiya at mga programa ng Kongreso. “

“It is a tool for empowering citizens to be involved in the democratic process in creating laws…We are reinforcing our commitment to democracy, to transparency, and to the people we serve,” ayon kay Tulfo.

Kabilang sa mga dumalo sa pagbubukas ng Congress TV sina Majority leader Jose Manuel “Mannix” Dalipe, Senior Deputy Speaker Aurelo “Dong” Gonzales, AKO Bicol Party List Rep. Elizaldy Co at iba pa. (Cesar Barquilla)

The post Speaker Romualdez nanguna sa pagbubukas ng CONGRESS TV, Quezon Rep. Suarez Deputy Speaker na appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Speaker Romualdez nanguna sa pagbubukas ng CONGRESS TV, Quezon Rep. Suarez Deputy Speaker na Speaker Romualdez nanguna sa pagbubukas ng CONGRESS TV,  Quezon Rep. Suarez Deputy Speaker na Reviewed by misfitgympal on Enero 22, 2024 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.