WALANG dudang masipag sina Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos bilang kalihim ng LGUs pati na ng PNP, Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Philippine National Police (PNP) Chief Benjamin Acorda Jr. na pangkalahatang tagapagpatupad at tagasubaybay sa hanay ng kapulisan.
Sa bawat isyu na lumulutang ay kaagad umaaksyon si Sec. Abalos. Binibigyang pansin niya ang ulat sa pang-aabuso ng mga elected government official, opisyales ng BFP at BJMP.
Pero tila tuod naman na hindi nakikita ng magiting na PNP Chief ang mga nangyayaring kalokohan ng maraming opisyales at miyembro ng naturang ahensya.
Gaya halimbawa ng kitang-kita na pagkunsinte sa nagkalat na operasyon ng STL con jueteng, lotteng, sakla, pergalan (perya na pulos sugalan) puesto pijo o permanenteng pasugalan, ganon din ang paihi o buriki at iba pa ng mga regional at ilang provincial commander sa kanilang hurisdiksyon , ganon din ng mga city at town police chief sa CALABARZON.
Sa ilalim ng batas, malinaw na ang vice operation ay illegal per se, kaya dapat ay walang sinisino at sinasanto ang lumalabag dito.
Hindi umaaksyon si Cavite Provincial Director Col. Eleuterio Ricardo Jr. sa talamak na operasyon ng mga saklaan sa 15 bayan at walong siyudad ng lalawigan ng Cavite, pinakamalala ay ang operasyon nina Hero at Elwyn sa bayan ni Amadeo Mayor Redel John Dionisio; sa munisipalidad ni Maragondon Mayor Lawrence “Umbe” Arca; sa bayan ni Noveleta Mayor Dino Reyes Chua; Magallanes Mayor Jasmin Angeli Maligaya-Bautista; Bailen na kilala ding Gen. Emilio Aguinaldo, Mayor Dennis “Glen” Mojica at sa bayan ni Ternate Mayor Lamberto Bambao.
Sa mga sabungan ay may permanente o pueto pijo pang pasakla sina Hero at Elwyn na isang fake na NBI agent at kasosyo sa lahat na kailegalan si Richard M. na nagyayabang pa na bagman siya ni Col. Ricardo Jr.
Kasosyo din si Richard M. sa pasakla ni alyas Sgt. Lagos kina Dasmarinas City Mayor Jennie Austria- Barzaga, Christian kina Bacoor City Mayor Strike Revilla ay pati na sa tabi ng La Bien Funeral Parlor at ng babaing drug pusher na isang Maricon kina Naic Mayor Ruperto Dualan.
Hindi lamang RD, PD , city at municipal police chief kundi pati mga city at town executive ay may pananagutan din sa ilalim ng batas kaya’t dapat kasuhan din ni Sec. Abalos dahil sa pagpapabaya o kaya’y pangungunsinte sa mga iligalista sa kanilang hurisdiksyon.
Ang mga benindisyunan namang STL con jueteng, lotteng at gambling online ay sina Melchor sa Bacoor City, Dasmarinas City, Maragondon, Naic at Cavite City; Kap Abner sa Damarinas City at Nitang Kabayo na nagpapatakbo ng STL bookies sa lahat na siyudad at bayan sa naturang lalawigan gamit ang pangalan ni gambling icon Bong Pineda.
Pinaka-notoryus naman sa Batangas ang permanente o puesto pijo na pasugalan na may halo pang shabuhan at putahan ng isang alyas Glenda sa Brgy. Santiago sa bayan ni Malvar Mayor Cristeta Reyes at Brgy. Pinagtong-olan kina Lipa City Mayor Eric Africa at STL con jueteng operation ng may 30 drug/ bookies operator sa Tanauan City.
May di kukulangin din sa 40 pergalan, 15 saklaan at sangkaterbang kuta ng buriki gang sa probinsya ng Laguna. Hangga’t di sinasampahan ng kasong kriminal at administratibo nina Sec. Abalos ang Cavite Mayor pati na ang alkalde ng Malvar, Lipa City at ibang local executive sa CALABARZON at mga police chief ay hindi titino ang nabanggit na mga lalawigan?
Sa buong rehiyon ay nag-ooperate at kinokolektahan ng weekly intelhencia ni Richrad M. ang may 200 na pergalan operator, 200 maintainer ng STL bookies at lotteng, may 50 saklaan at di kukulangin sa 20 pasingawan, paihian, patuluan, paawas na kilala din buriki, hindi kukulangin sa may 2,000 na colorum van, 50 illegal terminal at iba pang ilegal na aktibidades na sa kabuuan ay lingguhang ginagatasan ni Richard M. ng hihigit pa sa Php 12M. Di hamak na bilyones ito sa looban ng kada taon.
Ipinagyayabang ni Richard M. na binabahagi nito ang bilyones na intelhencia ng ilang matataas na PNP official mula Camp Crame, Region 4-A pababa sa mga provincial command at police station. Huwag sanang manatiling bulag sina Sec. Abalos at PNP Chief Acorda Jr. May karugtong…
***
Para sa komento: Cp. No. 09664066144
The post SEC. ABALOS AT PDGEN. ACORDA JR. BULAG SA BILYONES KOTONG SA CAVITE , R4A! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: