Facebook

Bgy. Health Worker nasawi sa bakuna

BINAWIAN ng buhay ang isang Barangay Health Worker nang maturukan ng Covid-19 vaccine sa probinsya ng Cotabato.
Ang nasawing BHW ay nakilalang si Emelie Salimbag, residente ng Barangay Kibia, Matalam, North Cotabato.
Sinabi ni Florelyn Salimbag na namatay ang kanyang ina ilang araw matapos mabakunahan ng kontra Covid-19.
Bago mabakunahan ay may dinaramdam nang ‘Hypertension’ si Emelie at napansin ang pagbabago sa kanyang kondisyon nang mabakuna-han ito.
Nilinaw ni Salimbag na hindi nila sinisisi ang bakuna sa pagkamatay ng kanyang ina.
Tanggap na ng pamilya ang sinapit ng ina ngunit humihingi sila ng tulong.
Nag-iimbestiga na ang Inter-Agency Task Force on Covid-19 (IATF-Cotabato) sa pagkasawi ng BHW.

The post Bgy. Health Worker nasawi sa bakuna appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bgy. Health Worker nasawi sa bakuna Bgy. Health Worker nasawi sa bakuna Reviewed by misfitgympal on Marso 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.