PINAKAKASUHAN na ng Department of Justice (DOJ) ang ilang tauhan ng Bureau of Customs (BoC) na napa-tunayang nasa likod ng pagpapasok sa bansa ng hazardous waste materials mula Canada noong 2013 at 2014.
Nakasaad sa resolusyon ng ‘DOJ Panel of Prosecutors’ na may sapat na basehan upang kasuhan sa korte ng paglabag sa Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Waste Control Act of 1990 ang BoC examiners at appraisers na sina Benjamin Perez, Eufracio Ednaco, Matilda Bacongan, at Jose Saromo.
Ibinasura naman ng DOJ ang reklamong paglabag sa Anti-Graft law laban kina Perez, Ednaco, Bacongan, at Saromo.
Magugunita na naipuslit sa bansa ang 103 container vans mula Canada na idineklara bilang scrap materials ngunit nadiskubre na naglalaman ito ng solid waste materials.
Sa imbestigasyon ng DOJ, nabunyag na batid ng apat na tauhan ng BoC na hazardous waste ang laman ng mga container van nang kanilang ipasa sa physical at document examinations ang mga kinukwestyong shipment.
(Jocelyn Domenden)
The post BoC officials nagpapasok ng basura ng Canada pinakakasuhan na ng DoJ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: