Facebook

Bubble-to-bubble ng Bohol

MAGANDA ang napakinggan kong panukala nitong si Bohol Governor Arthur Yap, ang gumawa ng bubble-to-bubble na kampanyang pang turismo upang makahikayat ng mga dayuhan na pumasyal muli sa kanilang lugar sa gitna ng pandemiya.

Nanawagan si Governor Yap sa pamahalaang nasyunal partikular sa Department of Tourism na pagisipan ang kaniyang ideya na makagawa ng mga kasunduan sa ibang bansa na makapagpa-papayag sa kanilang mga mamamayan na makabiyahe sa kanilang probinsiya kahit na sa limitadong pamamalagi doon.

Ito raw ay paraan upang mangyari rin sa iba pang parte ng bansa na mapaunlad at mapasiglang muli ang turismo at kumita ang bansa sa pamamagitan ng mga buwis na ibabayad ng mga dayuhang turista.

Sa kanyang pakikipagtalakayan sa isang kapihan sa Maynila, inilahad ni Gob na kasama sa kanyang ‘proposal’ ang pagluluwag sa mga kailangang dokumento sa pagbibiyahe gaya ng ‘visa’ upang lalong maenganyo ang mga dayuhan. Dahil ang kanila raw probinsiya bilang isla ay maituturing ding “bubble” kung saan nakahiwalay ito sa mga karatig na lugar.

Mayroon din naman daw ang Bohol na sariling international airport na kayang tumanggap ng dalawang milyong pasahero kada taon, at limang daungan o ports na maaari ring gamitin sa pagbibiyahe ng mga turista.

Mahusay ang panukala, kasi nga naman babantayan mo na lamang ang papasok at lalabas na mga taong bumibisita sa inyong probinsiya sa pamamagitan ng airport at mga pantalan na daungan at sisiguraduhing walang dalang COVID-19 virus ang mga ito.

Sa gitna nga naman ng pandemiya, may paraan pa upang kumita at gumanda ang ekonomiya ng lugar. Sa pamamagitan ng bubble-to-bubble ni Gob. Yap, muling uusad nga naman ang kabuhayan sa Bohol.

Noon ngang wala pang pandemiya, tatlumpung libong (30,000) turista araw-araw ang kanilang bisita. Mantakin mo nga namang kita ang ibinibgay niyan sa Bohol. Eh sa huling datus nga raw, kulang sa apat na libo (4,000) lamang ang nakabisita sa kanilang lugar mula noong Disyembre ng nakaraang taon hanggang sa kasalukuyan.

Napakalaking diprensiya nga naman. May mga naitala mang kaso ng COVID-19, sa ngayon ay 234 na kaso na lamang at libo na rin ang gumaling, paguulat pa ni Gob. Yap. Kaya ang pinaka-mainam raw na paraan upang sumigla muli ang kanilang probinsiya ay ang programang Bubble-to-Bubble sa Bohol.

Balak nga niya, kung sila ay papayagan ng Malacañang, ng DoT at ng mga ahensiyang responsable sa takbo ng COVID-19, ay mag-alok ng mga “special diving packages’ para sa mga turistang mahilig dito, na galing sa Japan, Korea, Taipe at maging taga-China.

May tama ka nga Gob. Yap. Sana ay mapayagan ka sa mga maganda mong balak para sa sariling Bubble-to-Bubble mo sa Bohol.

The post Bubble-to-bubble ng Bohol appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bubble-to-bubble ng Bohol Bubble-to-bubble ng Bohol Reviewed by misfitgympal on Marso 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.