Facebook

Kulelat

IBINALITA ng mga anak Jinggoy at JV ipinasok sa ospital si Erap Estrada noong Linggo ng gabi dahil sa panghihina ng katawan. Positibo sa mapanganib na Covid-19 ang kanilang ama. Walang kinikilala ang mapinsalang virus sa sangkatauhan. Maaaring igupo ang sinuman sa ating mga lider, totoo o huwad, ng karamdaman.

Hindi ito lang ang balita noong Linggo. Lumabas ang tanging ulat ng NikkeiAsia, ang pahayagan na nasa wikang Ingles kahit pag-aari ng mga Hapones, tungkol sa usapin ng pandemya sa Asya. Hindi maalis na ihahambing ang sitwasyon ng Filipinas sa Vietnam. Magkaiba ang kanilang istratehiya kahit parehong kabilang sa ASEAN.

Aabot sa 110 milyon ang populasyon ng Filipinas; Vietnam, halos 98 milyon. Ngunit malaki ang pagkakaiba ng dalawang bansa sa bilang ng mga dinapuan ng Covid-19: Filipinas, 721,892; Vietnam, 2,591 lamang. Malaki ang bilang ng mga namatay; Filipinas 13,170; Vietnam, 35 (bagaman wala o zero sa ibang ulat).

Hindi sinabi sa ulat ng NikkeiAsia ang dahilan ng pagkakaiba ng mga datos. Nang pumutok ang balita na may pandemya sanhi ng Covid-19 mula sa Wuhan City, China, kara-karakang isinara ng Vietnam ang kanilang bansa sa mga turista mula sa China. Walang nakapasok na Intsik kahit ang mga nagbabakasyon dahil sa Chinese New Year noong nakaraang taon. Madaling nakontrol ng Vietnam ang sitwasyon; hindi kailangan ang matinding lockdown sa bansa.

Kabaligtaran ang Filipinas; Malayang pinapasok ang mga turista mula Wuhan City lalo na ang mga nagdiwang ng Chinese New Year noong 2020. Naiulat na dala ng ilang turista ang virus. Kumalat at hindi nakontrol. Nalito at nahilo si Rodrigo Duterte at ang mga opisyales dahil hindi alam kung ano ang gagawin. Ibinagsak ang lockdown na itinuturing na isa sa pinakamalupit sa buong Asya. Dumapa ang pambansang ekonomiya ng Filipinas.

Lumago ang ekonomiya ng Vietnam ng 2.9% kahit maraming bansa sa Asya ang nalugmok dahil sa pandemya. Sobrang humina ang kabuhayan ng Filipinas at nagtala ito ng -9.% noong 2020. Isa ang Filipinas sa mga bansang sobrang apektado ng pandemya. Hindi matantsa kung lumalago ang ekonomiya ng Filipinas at kung positibo sa 2021.

Walang malinaw na estratehiya ang Filipinas sa pagsugpo sa pandemya – walang mass testing, walang contact tracing, at mabisang programa sa pambansang bakunang bayan. Batid ni Duterte na bakuna ang susugpo sa pandemya, ngunit sobrang mabagal ang pagkuha ng bakuna sa ibang bansa. Habang walang bakuna, dumami ang patayan sa iba’t-ibang lugar.

Maaaring ihambing ang kondisyon ng Filipinas sa Indonesia pagdating sa bakunang bayan. Abot sa 110 milyon ang populasyon ng Filipinas at nasa 274 milyon ang Indonesia. Ngunit mas malupit ang dagok ng pandemya sa Filipinas sapagkat abot sa halos 722,000 ang maysakit samantalang na halos 1.5 milyon ang Indonesia.

Aabot sa 0.66% ng populasyon ang maysakit sa Filipinas; nasa 0.54% ang Indonesia. Mataas ang Filipinas dahil hindi pa naiaayos ang programa sa pambansang bakuna. Ayon sa mga datos, nasa 510,000 pa lamang ang nabakunahan sa Filipinas, samantalang gumulong na ang sa Indonesia at nasa 10.5 milyon ang Indonesia.Marami ang nababahala sa sobrang kabagalan ng Filipinas. Aabutin ng isang dekada upang mabakunahan ang marami.

***

AMININ natin: Hindi kaya na lutasin ni Duterte ang pandemya. Hindi malayo na mangyari ang naging kapalaran ni Donald Trump sa Estados Unidos. Nagkaroon ng linaw nang pumalit si Joe Biden sa kanya at isinagawa ang pinakamalaking bakunang bayan sa kasaysayan ng Estados Unidos. Ang susunod na gobyerno ang lulutas sa problema.

Hindi namin nakikita na papalit kay Rodrigo Duterte ang sinuman kay Sara Duterte o Bong Go. Isang pagpapatiwakal ang ihalal ang sinuman sa kanila. Lalaban ang puwersa ng demokrasya at

Totoong pupuksain ang puwersa ng kadiliman sa halalan sa 2022. Narito ang isinulat ng isang kaibigan at nai-post sa aming social media account.

“On all fronts — this administration has failed the people. They will be remembered for their incompetence, for their arrogance and hubris, for their treason, for their EJK, for their mismanagement of the pandemic , for their failed economic policies bloating our total debts to over Php 11 trillion and still rising without any concrete infra project to speak of , for their abuse of human rights.

“By the way, when the new administration takes over, they should do an audit of all the debts incurred by this administration and where it went! Maybe someone can even ask COA to conduct a Special Audit of the Total Borrowings of the Philippine Government from time this Administration took over and explain to the people where all those loans went. The audit should also cover how many of the signed agreements they entered into with China when they assumed office in 2016 — the billions of dollars they were announcing to the public as part of their accomplishment report — how many were actually disbursed and where they went.

“The people have a right to know where the almost P6 trillion additional debt this administration went because guess what — It will be the people and not Digong’s economic managers who will be paying for them.”

***

NAKAKADIRI at nakakasuka kapag nakikita namin ang mga larawan ng tarpaulin at motorcade na nag-udyok kay Sara na tumakbo sa 2022. Bumabaliktad ang tiyan namin kapag nababasa ang mga pahayag na nageendoso kay Bong Go na pumalaot sa 2022. Mga abusado ang mga nilalang na ito. Mga walang pakiramdam at makakapal. Inferior Davao talaga.

Maraming tao ang lubhang apektado ngayon sa panahon ng pandemya. Marami ang nawalan ng trabaho, nabawasan ang kita, at walang nakikita sa hinaharap. Marami ang may mga kaanak na nagkasakit. Ngayon bibigyan mo sila ng kalendaryo na may nakasulat na “SARA CARES.” Hindi namin alam kung anong klase kayong tao. Umaapaw ang katangahan, sa totoo lang.

***

MAY dahilan kung bakit pinagtatawanan si Harry Roque. Hindi pala niya alam na kayang kaya ng mga Virus na magbago ng anyo at sangkap upang malabanan ang mga gamut at mas lalong makapinsala sa may dalang tao. Sinisisi ni Harry Roque and genetic mutation ng mga virus upang maging dahilan ng paglala ng pandemya sa bansa.

Iyan ang kapalaran ng virus sa hinaharap. Genetic mutation ang kauuwian. Matibay na iyan ng siyensiya. Kaya lang hindi ito naiintindihan ni Harry. Kaya tumawa na lang tayo… Hahahahahahahahahahahahahaha….

The post Kulelat appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kulelat Kulelat Reviewed by misfitgympal on Marso 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.