NGAYON ngang nasa general community quarantine na ang Metro Manila at lalo pinalawig pa ang oras ng curfew 6pm hanggang 5am tila isang malaking sugal ito sa gobyernong Duterte.
Sugal na posibleng magbigay ng solusyon laban sa pagtataas ng bilang ng mga nagkakaroon ng Covid -19 o sa lako pang pagsama ng sitwasyon tungo sa lalo pang pagbigat ng kasalukuyang suliranin.
Nais ng pamahalaan nai-contain ang galaw ng tao lalo na ngayong Semana Santa upang di na maragdagan pa ang bilang ng hawahan sa virus.Ang bago kasing variant na ito na UK at South African ay sinasabing “super spreader” na kung saan ang rate transmission ay lubhang napakataas.
Puno na ang nga ospital natin at halos marami sa ating mga medical frontliners ay nahawa na rin.Sinasabi ng mga kritiko ng pamahalaan na buwagin na ang IATF at palitan ito ng panibagong grupo na bubuuin ng mga doktor,health/medical experts at sayantipiko,hindi ng mga miyembro ng gabinete,pulitiko at mga heneral mula sa hanay ng militar at kapulisan.
Ito nga ba talaga ang tamang gawin ng Pangulong Duterte o ipagpatuloy ang naumpisahan ng diskarte ng kanyang trusted team?
Total kamo,nasa gitna na tayo ng giyerang ito kontra Covid-19,tingin natin ay lalo pang magkakaletse letse kung makikinig ang Pangulo sa iba’t iba pang suhestiyon.
Eto na tayo sa ganitong sitwasyon kung saan naninimbang tayo kung dapat bang panatlihin ang lockdown o luwagan na ang movements ng tao para tulungang umusad ang lugmok na ekonomiya.
Marami ang nagdudunong-dunungan lalo na at amoy na amoy na ng mga pulitikong ambisyoso ang nalalapit na eleksyon.
Lahat na sablay ng administrasyong Duterte ay ginagamit para makakuha ng bentahe sa darating na halalan na ang pangunahing agenda ay maupo sa poder.
Imbes na tumulong sa pagresolba ng problema,intriga at panlilito sa isip ng bawat botanteng Pinoy ang gustong ipunla.
To make the story short at bigyan ng ideya ang publiko sa mga huling kaganapang ito partikular na dito sa NCR at mga kalapit na probinsiya,lahat ng tungkol sa problema sa pandemya ay pinupulitika na.Kailangan batid natin ang mga kaganapang ito upang sa ganoon ay alam natin ang mga dapat natin gawin at di tayo mukhang tanga at naliligaw.
Lahat naman ay alam ang gagawin kapag ang isang bagay o pangyayari ay tapos ng maganap.
Yang ang istilo ng grupong sa halip na tulong ang ibahagi sa mamamayan ay intriga at pangamba ang hatid.
Manatiling nananalig sa ligal na gobyerno at sa mga hakbang nito sa paglaban sa nasabing salot.
Wala namang choice na matino ang ating mga mamamayan.
Total naman,may napatunayan na ang kasalukuyang rehimen sa Covid-19 pandemic approach.
Di man ito kagalingang diskarte ay masasabi naman ito ang nagsalba sa buhay nating mga Pilipino.
Bagamat aminado na dapat ang ekonomiya,nananatiling buhay ito at lumalaban at handang bumangon sa takda at tamang oras.
Magtiwala sa Pangulong Duterte na sa kabila ng samut saring problema ay di iniwan ang mamamayang Pilipino.
Kung nagkataong di si Duterte ang nanalo Pangulo at isa sa mga naging kalaban nito noong 2016 elections ang naupo,sa palagay nyo bayan,buhay pa kaya tayo?
Manatiling matatag at patuloy tayong magdasal sa Poong Maykapal upang maibsan ang dagok na ito sa sanglibutan.
May kasunod…
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post ECQ na ang NCR appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: