Facebook

Dating Pulis-Pasay at ama na ‘most wanted’ huli sa CamSur

TIMBOG sa mga elemento ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) ang isang dating pulis at ama nito na kapwa wanted sa kasong murder sa Buhi, Camarines Sur.
Kinilala ang mga nadakip na sina dating PO1 Brentboris Ricafranca alias Bimbo, 47 anyos, dating nakatalaga sa NCRPO, SPD; at ama nito na si Pastor Ricafranca alias Junior, 74, kapwa kabilang sa talaan ng Most Wanted Persons sa Pasay City.
Ayon kay BGen Jonnel Estomo, Director ng PNP AKG, 6:30 ng gabi nang madakip ng mga operatiba ng PNP AKG IRAD sa magkahiwalay na operations sa Barangay Sta Clara at Brgy. San Pascual, Buhi.
Isinagawa ang operasyon base sa warrant of arrest sa kasong 2 counts murder mula sa sala ni Judge Eugenio G. Dela Cruz ng RTC Branch 117, NCR Judicial Region, Pasay City, noong March 27, 2009.
Inaresto si POI Brentroris sa kanyang bahay sa Brgy. Sta Clara, habang ang kanyang ama ay naaresto sa kanyang Smart Padala Remittence Store sa Brgy. San Pascual.
Nabatid na pinagbabaril at napatay ni POI Brentroris ang mag-amang Ernesto Marcelo Jr., at Ernesto Marcelo Sr., habang nagsilbing lookout ang ama noong Aug. 17, 2008 sa Pasay City.
Sa report, simpleng away magkapitbahay sa pagitan ng dalawang pamilya mula 2006 ang naging motibo ng pamamaril. (Mark Obleada)

The post Dating Pulis-Pasay at ama na ‘most wanted’ huli sa CamSur appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Dating Pulis-Pasay at ama na ‘most wanted’ huli sa CamSur Dating Pulis-Pasay at ama na ‘most wanted’ huli sa CamSur Reviewed by misfitgympal on Marso 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.