SA darating na Mahal na Araw pinayuhan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga Katoliko na manatili na lamang muna sa kani-kanilang mga tahanan at dumalo na lang ng mga online masses .
Sa kabila ito na pinayagan ng pamahalaan ang pagdaraos ng minsan isang araw na religious gathering at pagpapapasok ng mga mananampalataya sa mga simbahan ng hanggang sa 10% ng mga kapasidad nito ngayong Semana Santa.
Nitong Biyernes, inianunsiyo ni presidential spokesperson Harry Roque na pinahintulutan ng Interagency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang mga relihiyosong pagtitipon sa loob ng mga simbahan, na may 10% capacity lamang, ngunit dapat minsan sa isang araw lamang ito, mula Abril 1 hanggang 4, base na rin sa kahilingan ng maimpluwensiyang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).
Sinabi naman ni Malaya na ang desisyon ng IATF ay nagpapakita sa buong respeto ng pamahalaan sa right to worship ng mga mananampalataya at pagkilala sa kahalagahan ng spiritual support, pagbabawas ng stress at pagsusulong ng good mental health.
Pinasalamatan din niya ang Archdiocese of Manila sa pakikipagdayalogo sa Department of the Interior and Local Government (DILG) hinggil sa isyu.
Nabatid na inatasan na rin ng DILG ang Philippine National Police (PNP) at mga barangay na tiyaking maayos na naipatutupad ang mga IATF-approved protocols sa NCR Plus sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na parokya at mga religious denominations. (Boy Celario)
The post DILG sa mga Katoliko: Mag-online mass ngayong Mahal na Araw appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: