PINASASAMPAHAN ng kampo ng nasawing flight attendant na si Christine Dacera sa Makati Police ng kaso sa droga ang mga nasa Room 2209 ng City Garden Grand Hotel nang mangyari ang insidente.
Sinabi ng abogadong si Roger “Brick” Reyes, tagapagsalita ng kampo ni Dacera, dapat kasuhan ng may kinalaman sa droga ang nasa Room 2209 base narin sa resulta ng toxicology analysis.
“A new case should be filed for illegal drug possession against all the people with Christine at Room 2209 of City Garden Grand Hotel. Illegal drugs were found there. Policemen should file drug charges against them,” saad nito. “Christine was drugged that’s why she became erratic that night.”
Dismayado, anila, sa kung paano hinawakan ng Makati Police investigators ang kaso ni Dacera.
Maaalala na noong Enero 1 ay natagpuang walang buhay si Dacera sa bathtub ng Room 2209 ng City Garden Grand Hotel.
The post Drug charges isasampa ng kampo ni Dacera vs Room 2209 guests appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: