IPINAG-UTOS ni Makati City Mayor Abigail “Abby” Binay ang pagpapasara at pagtatanggal ng permit sa dalawang resto-bars sa Barangay Poblacion dahil sa paglabag sa curfew at pagsuway sa health at safety protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Noong Marso 5, ni-raid ng mga pulis ang Movida Fashion Food and Club at Royal Club Makati.
Nagbabala si Binay sa mga establisimyento sa Makati City na mananaig ang batas oras na lumabag sila sa protocols laban sa COVID-19.
Naaresto sa dalawang raid ang 51 indibidwal na may iba’t ibang lahi.
“Dine-in services are strictly prohibited when the city is placed under the Enhanced Community Quarantine. Under the Modified Enhanced Community Quarantine, a maximum of 30 percent of dine-in service capacity is allowed, subject to strict compliance with the minimum public health standards and social distancing protocols. Under the General Community Quarantine, a maximum of 50 percent; and Modified General Community Quarantine, a maximum of 75 percent of dine-in service capacity,” saad sa Makati City Ordinance No. 2020-165. (Gaynor Bonilla)
The post 2 resto-bars lumabag sa health protocols sa Makati, pinadlak appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: