HINDI dapat mag-panic ang mga residente sa National Capital Region (NCR) Plus dahil mayroong sapat na suplay sa mga pangunahing bilihin.
Kasunod ito ng pagpatupad ng isang linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at karatig na probinsiya.
Saad ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, na walang dahilan para magpanic-buying ang mga tao dahil sapat naman ang mga suplay ng bilihin.
Kahit aniya noong unang pagkakataon ng ipatupad ang ECQ ay hindi naman nagkulang ang nasabing suplay ng mga bilihin.
Nauna rito, dinagsa ng mga mamimili ang ilang pamilihan sa NCR matapos na ianunsiyo ang pagsasailalim sa ECQ sa Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal. (Josephine Patricio)
The post DTI: Suplay ng bilihin sa NCR-Plus sapat pa appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: