Facebook

PAGPATAY SA LABOR LEADER SA LAGUNA KINONDENA

INAALAM pa ng pulisya ang posibleng motibo sa pagpatay sa batang labor organizer sa Calamba City, Laguna, Linggo ng gabi.
Ang pinaslang na si Dandy Miguel, 30 anyos, ay vice-chairman ng Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan – Kilusang Mayo Uno (Pamantik – KMU) at pangulo ng Lakas ng Nagkakaisang Manggagawa sa Fuji Electric Philippines sa Laguna.
Ayon sa ulat, binaril si Miguel 8:45 ng gabi sa Barangay Canlubang, Calamba City.
Nabatid na pauwi na mula sa trabaho si Miguel nang barilin ng walong beses.
Sa inilabas na pahayag ng KMU, sinabi na ang pagpatay sa labor leader ang pinakahuling pag-atake sa mga namumuno at miyembro ng mga organisasyon na iniuugnay sa NPA.
“Sinasamantala ng berdugong si Duterte ang militaristang lockdown upang ipagpatuloy ang serye ng pagpatay sa mga lider ng mga organisasyong masa. Sa halip na atupagin ng rehimen ang maagap na pagbibigay ng wastong tugon sa pagsirit ng kaso ng COVID at ang pagbibigay ng ayuda sa naghihirap at nagugutom, binubuhusan nito ng pondo at makinarya ang pagpapatahimik sa mga tagapagtaguyod ng solusyon sa krisis,” pahayag ng KMU.
Kabilang si Miguel sa mga naghain ng reklamo sa Commission on Human Rights noong Marso 15 kaugnay sa pagkakapatay ng siyam na opisyal at miyembro ng iba’t ibang progresibong grupo sa tinaguriang ‘Bloody Sunday’ may tatlong linggo na ang nakakalipas.

The post PAGPATAY SA LABOR LEADER SA LAGUNA KINONDENA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PAGPATAY SA LABOR LEADER SA LAGUNA KINONDENA PAGPATAY SA LABOR LEADER SA LAGUNA KINONDENA Reviewed by misfitgympal on Marso 29, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.