NANANATILI parin ang puting kabaong na inilagay sa gitna ng Guadalupe Bridge Southbound na sakop ng lungsod ng Makati.
Ayon sa mga nakasaksi, 10:00 ng gabi nitong Linggo nang ini-lagay ang nasabing kabaong.
Nakakasulat sa kabaong ang: “Limang dekada ng panlilinlang salot sa Pilipinas ilibing na ang kasamaan ng mga teroristang CCP-NPA-NDF.”
May tarpaulin din na may larawan at pangalan ng sampung estudyanteng napatay dahil umano sa panlilinlang ng rebeldeng grupo.
Nilagyan ng kandila, lagayan ng pera at maliit na rosaryo ang ibabaw ng kabaong kungsaan nakadikit ang lawaran ni Jose Maria Sison na kalahating mukha at bungo.
Agaw atensyon ang nasabing kabaong sa mga dumaraang motorista sa Guadalupe Bridge Southbound.
The post Kabaong ibinandera sa gitna ng Guadalupe Bridge appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: