Facebook

‘Duterte palpak’

LUNES ng umaga, ipinahayag ni dating senador Antonio Trillanes IV sa isang panayam sa radyo na bigo si Rodrigo Duterte sa kanyang paglupig sa pandemya na sanhi ng Covid-19. Kulang sa pagnanasang pulitikal (political will) at paghahanda ang gobyerno ni Duterte sa mapinsalang sakit na dala ng virus. Kahit hindi sinabi ng diretso ni Trillanes, palpak ang gobyerno ni Duterte sa pagharap sa mapinsalang virus.

“Nauna sila sa paghahanda,” ani Trillanes bilang pagpupugay sa mga bansang may malayong pananaw sa kinabukasan, o foresight. Nag-order ang Indonesia ng bakuna kontra Covid-19 noong Hunyo ng nakaraang taon, aniya. Nagbayad agad ng downpayment sa mga kumpanyang gumagawa ng bakuna, aniya. Hindi ito ginawa kaagad ni Duterte.

Ito ang dahilan na nailatag kaagad ng Indonesia ang kanilang bakunang bayan, ani Trillanes. Ngayon, mahigit 12 milyon ng kanilang mamamayan ang nabakunahan, aniya, samantalang nasa kalahating milyong Filipino ang nabigyan ng bakuna. Masyadong naiwanan ang Filipinas sa paglaban sa pandemya, ani Trillanes.

“Parang nagpapatawa lang. Parang naglalaro lang. Hindi alam ang gagawin,” ani Trillanes sa pagsasalarawan ng pagharap ni Duterte sa pandemya. Ito ang dahilan kung bakit nahuli ang Filipinas sa pagkuha ng supply ng bakuna kontra sa sakit. Hindi nagseryoso si Duterte at minaliit nga ang mapinsalang virus.

Sa pag-uusisa ng dalawang radio host, sinabi ni Trillanes na nakahanda sana ang oposisyon na ibigay ang kanilang tulong upang masugpo ang pandemya. May mga mungkahi ang mga lider ng oposisyon upang labanan ang sakit. “Ngunit nakipagsunugan ng tulay si Duterte sa oposisyon. Ipinakulong si Leila de Lima sa mga gawa-gawang sakdal at ginawan ng sakdal kasama na ako,” ani Trillanes. Nabigo ang oposisyon na magkaroon ng pagkakaisa.

Sinabi ni Trillanes hindi kasalanan ng mga alipures ni Duterte kung bakit nagkaloko-loko at nagkasabit-sabit sa kapalpakan ang kampanya laban sa pandemya dahil kumuha lamang sila ng kumpas sa tila bangag na si Duterte. Kontrolado ni Duterte ang lahat, aniya, dahil na may kasamang negosyo ang kampanya.

Pinagkikitahan ang pagbili ng bakuna, face mask, at PPEs, bintang ni Trillanes. Walang kalayaan magpasya ang mga alipures na nasa Department of Health, Inter-Agency Task Force for Emerging Diseases (IATF) at iba pang sangay ng gobyerno, ani Trillanes. May mga pagkakataon na magkakasalungat ang mga desisyon ng mga alipures niya, ani Trillanes. Dahil santambak na mga boss ang kinuha niya sa puwesto, aniya.

Walang dahilan upang manalig na malulutas ang pandemya sa ilalim ng administrasyon ni Duterte. Hindi malulutas ni Duterte ang suliranin at ang susunod na gobyerno ang maglalapat ng tamang solusyon. Ngunit mahalaga na pakinggan natin ang mga ipapangako ng ga pulitiko sa panahon ng kampanya.

***

INASAHAN namin kinagabihan na babakbakan ni Duterte si Trillanes sa paglabas sa telebisyon tuwing Lunes ng tila baliw na lider. Paborito niyang libakin si Trillanes at sa nakalipas, tinawag niya ito ng kung ano-ano bansag kahit walang batayan. Alam ni Duterte na hindi nasisindak sa kanya si Trillanes kahit ano pa ang kanyang iharap sa bayan. Alam ni Trillanes na duwag si Duterte at traydor sa bayan.

Laking mangha namin nang tumambad sa telebisyon ang luhaang Rodrigo Duterte na umamin na isang malaking kabiguan ang kampanya laban sa pandemya. “Balik tayo sa zero,” ani Duterte na nagsabing tila walang katapusan ang pandemya. Wala kaming nakikita sa kanyang pag-amin kundi pilit niya kinukuha ang awa ng sambayan. Hindi siya nalalayo sa bigong mangingibig na pinipilit magpaaawa upang masungkit ang pagmamahal ng nililiyab.

“Gusto ko na nga umiyak sa harap ninyo pero naubos na ang luha ko,” ang kumpisal ni Duterte. Dugtong niya: “Hay, buhay. Kung alam lang ninyo. Para akong dumadaan ng purgatoryo ngayon, at this time. Halos back to zero tayo dito.”

Natural na panghinaan ng loob si Duterte. Tumataas ang bilang ng mga nagkakasakit. Maliban diyan, nahihirapan ang Filipinas na kumuha ng bakuna. Dahil hindi maganda ang kanyang record sa kaparatang pantao, hindi siya binibigyan ng bakuna ng mga kumpanya lalo na ang mga nasa bansang Kanluran. May katwiran na tawaging plkpak si Duterte at ito ang hatol sa kanya ng sambayanan sa social media.

May dahilan kung bakit nagdrama si Duterte sa harap ng kamera noong Lunes ng gabi. Wala siyang magawa. Wala siyang maibigay sa taong bayan. Ang kaya niyang ibigay ay pampalubag-loob lamang. Alam niya na pabagsak ang pagkilala ng bayan sa kanya. May katwiran ang sambayanan na tawagin siyang “inutil.”

***
KASAMA sa pagbagsak ni Duterte si Harry Roque, ang kanyang mabungangang tagapagsalita. Nawalan siya ng kredibilidad. Hindi siya pinaniniwalaan. Pinagtatawanan at pinandidirihan. Nang lumabas ang video clip ng selebrasyon ng kaarawan ni Duterte, kitang-kita na akmang dadakmain ng bangag na lider ang maselang bahagi ng isang kasambahay.

“Walang malisya doon.” ani Harry. Todo banat ang inabot niya sa social media dahil hindi siya pinaniniwalaan. Pinandirihan si Harry. Mababa ang tingin sa kanya. Sobrang baba dahil nagmukha na siyang isang tao na walang prinsipyo sa buhay at salat sa kagandahang asal. Hindi siya ang tinitingalang manananggol sa usaping karapatang pantao, kundi isang bayarang puta.
*
MGA PILING SALITA: “While most leaders become crisis managers in times like these, [Rodrigo] Duterte is the crisis himself.” – Shintaro Abe

“Antony Blinken is an oldtimer in the U.S. State Department. He knows very well the evolution of U.S. foreign policy. Try to get hold of an old video clip, where then President Barack Obama and party watched the U.S. Navy (Seals) operations against Osama Bin Laden in Pakistan. Blinken was among the foreign policy advisers, who was present in that video clip. Obama was with then U.S. Vice President Joe Biden (now the U.S president), U.S. State Secretary Hillary Clinton, the U.S. military advisers, among others in that small group that directed the operations against Osama Bin Laden. .As Obama said it in his interview with “60 Minutes,” the operations was so secret to the point that even his family never knew it until it was over. Blinken was part of that secret operations.” – PL, netizen

“Even Sonny Dominguez projects the national government borrowings to reach over P3 trillion for the entire 2021, to reach over P13 trillion by end-2021… Because 2022 is an election year, the total debt of the Duterte administration could reach P15 trillion by the time Duterte ends his term 15 months from now. Overall, the Duterte gov’t is projected to incur a total of P9 trillion in its six-year incumbency or annual average of P1.5 trillion. This is the highest in PHL economic history. The PNoy gov’t had incurred a total debt of P1.337 trillion for the entire six years of incumbency. This is even less than the P1.5-T annual average of the Duterte gov’t. The official data are truly surprising…” – PL netizen

The post ‘Duterte palpak’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Duterte palpak’ ‘Duterte palpak’ Reviewed by misfitgympal on Marso 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.