Facebook

‘Drama’ ni Digong

PAG-USAPAN natin ang highlights ng public address ni Pangulong Rody “Digong” Duterte last Monday night, March 29.

Sabi ni Digong: “Ang lockdown na ‘yan eh. Halos. Ako ang pinakahuling tao dito sa Pilipinas na magpapahirap sa Pilipino. Kung nandyan lang sa akin ang magic wand na maalis agad ang problema natin, gagawin ko.”

Drama! Aba’y higit 1 year na tayong nakikipagbuno kay Covid, trilyon na ang inutang ng gobyerno para mapuksa ang virus, pero parang wala naman kayong nagawa, mga bossing!

“It’s the COVID that’s taking most of my time looking for ways at kung ano na ang nangyari sa labas. There’s a ruckus going on and the fight for COVID (vaccine) possession is ongoing. It’s a very serious one. Kanina nanggaling akong airport. May dumating na 1 million (doses ng Sinovac). Sinalubong ko. Lumipad ako from Davao. Ang sunod na delivery natin (ng bakuna) is 2 million pero wala pang siguro ‘yan.

Itong mga country na sinabi ko, nag-aagawan sila (sa bakuna). Kailangan sabihin natin ‘yan para malaman how unfair it is really if you are on the side of the poor. I have ordered Sec. Galvez to sign any document that will allow the private sector to import at will.”

Drama uli! Ang Pilipinas nalang ang natitirang bansa sa Southeast Asia na may mataas na kaso ng Covid. Ang Indonesia na dating may pinakamataas na kaso ay bumaba na. Ang Singapre, Thailand, Vietnam at Myanmar ay zero case na. Normal na ang kanilang pamumuhay.

Hindi rin totoo na nakorner ng mayayamang bansa ang mga bakuna. Ang Bangladesh na pinakamahirap sa buong mundo ay maagang nakakuha ng bakuna, patapos na nga sila sa kanilang mass vaccination program. Mismo!

Tirada pa ni Digong: “Kung hindi ka naman exposed sa mik-robyo, then you should be considered an ordinary person. Itong nakuha ko na 1 million ngayon, tamang tama lang ito sa health workers. ‘Yung 1.2 na expected natin ngayong April, tamang tama parin ito sa health workers.

I am not threatening. ‘Yung mga human rights baka nakikinig. Ito bang nag-import na walang source tapos peke tapos ang mga tao magpabakuna at magbayad ng mahal, I’m just warning you. ‘Wag na ‘wag kayong magkamali dito na hirap na ang Pilipino tapos dagdagan mo ng ganito.

Pupulutin ka kung saan. Hindi ako nagbiro. Magpeke na kayo ng kung ano. Huwag lang itong medisina. Huwag kayong magkamali dito.

Hahanapin kita at ibigay ko sa iyo kung ano ang dapat para sa iyo. Ganito lang ang mundo. Hindi mo mapigil ‘yang ganitong klase ng krimen.

Drama parin. Eh sino-sino ba ang mga gumagawa ngayon ng mga kalokohan, sila-sila lang. Imposible ang dilawan mag-smuggle ng peke dahil wala sila sa puwesto, ‘di sila makalulusot sa Customs. Mismo!

Bira pa ni Digong: “We have to understand government. Med-yo stretch your patience and understanding. We are doing our best. We are not vaccine-producing country. So, naghihintay tayo.

Napakahirap kumuha ng bakuna. Gusto ko na nga umiyak sa harap ninyo pero naubos na ang luha ko. Para akong dumaan ng purgatoryo ngayon para lang matulungan kayo. ‘Yung nadiskaril sa finances nila, magdasal lang kayo. We will give you the ayuda.”

Kailan pa kaya darating ang ayudang ito? Eh ‘yung SAP 2 nga marami pa ang ‘di nabibigyan. Ewan!

Say ni Budget Sec. Wendel Avisado, ang ibibigay ay P1,000 per individual and not more than P4,000 per family. Pero ito’y foodpacks, ‘di pagkain!!!

Mga suki, walang Police Files Tonite mula bukas. Babalik kami sa kalye sa Lunes. Keep safe and God bless sa ating lahat.

The post ‘Drama’ ni Digong appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Drama’ ni Digong ‘Drama’ ni Digong Reviewed by misfitgympal on Marso 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.