Facebook

Rotary club malaking katulungan sa LGU’s!

SA panahon ng mga sakuna, delubyo o tulad ngayong mahigit isang taon na ang COVID-19 PANDEMIC ay hinde agad nakakayanan ng LOCAL GOVERNMENT UNITS (LGUSs) na makapagbigay asiste sa mga nangangailangan lalo pa kung wala pang pondong-pinansiyal.., kaya napakalaking katulungan ng iba’t ibang NON-GOVERNMENT ORGANIZATIONS (NGOs) tulad ng ROTARY CLUBS na umaasiste at nagbibigay lingap sa mga nagdarahop nating mamamayan.

Isa sa mga CLUB na nakapagbibigay ng malaking ambag sa mamamayan ay ang ROTARY INTERNATIONAL DISTRICT 3780 na pinamumunuan ni DISTRICT GOVERNOR JOHNNY GAW YU na umaasiste sa QUEZON CITY, kung saan ay rekta silang namamahagi ng relief goods sa mga bahay-bahay sa pakikipagkoordinasyon sa mga opisyales ng barangay.

Kahapon ay pinasimulan ng ROTARY INTERNATIONL DISTRICT 3780 na binubuo ng 101 CLUBS na nakabase sa QC ang pamimigay ng relief goods sa BRGY. TATALON.., na target ng grupo ang makapamahagi ng 5,000 AYUDA PACKS kada-araw hanggang April4.

Gayunman, sakaling ma-extend pa ang LOCKDOWN ay magpapatuloy pa rin ang kanilang aktibidades na pamamahagi ng relief goods o AYUDA PACKS sa ilalim ng programang AHON PILIPINO.., sa mga lubhang maaapektuhan ng paghihigpit sa galaw ng mamamayan bilang bahagi sa pag-iwas na kumalat pa ang mga VIRUS na dulot ng COVID-19.

Naihayag ni DIST. GOV. YU na simula noong nag-lockdown nutong nagdaang taon ay naging aktibo na ang kanilang grupo sa pagbibigay asiste sa mga itinuturing na POOREST OF THE POOR sa kanilang lungsod.

Sa kabatiran ng pangkaraniwang mamamayan, ang ROTARY CLUB sa ating bansa ay mayroong 10 DISTRICT na laging umaagapay at umaasiste sa iba’t ibang programa ng LGUs o ng gobyerno gayundin higit sa agarang pagresponde sa panahon ng mga kalamidad ay dumadayo saanmang lugar na pininsala ng iba’t ibang uri ng mga kalamidad.., para sa pagsasalba sa buhay ng ating mga kababayan.

Sa panayam kahapon kay ROTARY CLUB OF ST. IGNATIUS PRESIDENT MORYULA GERU OLIVEROS, ang mga lugar na kanilang pamamahaginan ng FOOD PACKS ay ang mga BARANGAY ng TATALON (kahapon namahagi sa mga residente ng BRGY. TATALON); APOLONIO SAMSON, BAGONG SILANGAN, HOLLY SPIRIT, COMMONWEALTH, BATASAN HILLS, at WEST KAMIAS.., subalit, bukas Huwebes at Biyernes Santo ay wala silang aktibidades para sa naturang HOLY WEEK TRADITION.., na itutuloy ang kanilang aktibidades sa araw ng Sabado at Linggo.

Aniya, ang kanilang grupo ay abala sa pagre-repack sa kasalukuyan ng mga food pack o relief goods sa kanilang DISTRICT OFFICE sa panulukan ng ROCES AVE. at MOTHER IGNACIA ST.., na hinde lamang food packs kundi maging mga gamot at bitamina ay namamahagi rin sila upang sa kahit papaano ay mabigyan ng pampatibay resistensiya ang mga nagdarahop sa buhay na residente ng nasabing lungsod.

Ang ARYA ay sumasaludo sa mga ganitong uri ng mga organisasyon na umaasiste sa gobyerno para mabigyang lingap ang mga kapos-palad nating mamamayan sa mga panahong tulad ngayong may pandemya.

Magkaminsan, sa mga ganitong pagkakataon ay di ko maiwasang di sumagi sa mapanuri kong pananaw ang mapailing na lamang dahil sa dami ng ating mga PARTY LIST na nakaupo sa KONGRESO ay wala man lamang halos akong mabalitaan na sila ay nagsagawa man lang ng kahit pagpapakain ng lugaw sa mahihirap nating mamamayan…, kundi ang madalas kong makita ay ang MARTSA SA LANSANGAN ng mga PARTY LIST na ipinagsisigawan ang kanilang kondenasyon sa kabagalang-aksiyon ng gobyerno… e bahagi na sila ng gobyerno na dapat ay magkusa na sila na punan ang sinasabing kakulangan ng gobyerno dahil bahagi sila ng GOVERNMENT ORGANIZATIONS na pinasusuwelduhan mula sa kaban ng bayan!

Sadyang nakapanghihinayang ang mga PARTY LIST na ang inatupag ay puro demonstrasyon sa halip na lumikha sila ng istrakturang makapag-aambag para sa kabuhayan ng sambayanan ay puro pambabatikos ang ginagawa nila.., e dapat lusawin na yang mga PARTY LIST kung hinde rin lang sila magiging kaagapay ng gobyerno para sa pagseserbisyo sa mamamayan… na tularan dapat nila ang ginagawa ng iba’t ibang NGOs na inuuna ang pagtulong sa mamamayan.., mabigyan sila ng papuri o hinde ay tuloytuloy lamang ang kanilang advocacy sa pagbibigay tulong tulad nitong ROTARY INTERNATIONAL DIDTRICT 3780!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post Rotary club malaking katulungan sa LGU’s! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Rotary club malaking katulungan sa LGU’s! Rotary club malaking katulungan sa LGU’s! Reviewed by misfitgympal on Marso 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.