DUMATING na sa bansa ang kontrobersiyal na bakuna kontra Covid-19, ang Sinovac na gawang China.
Inumpisahan na nitong Lunes ng umaga ang pagbakuna sa Metro Manila. Ilang miembro ng gabinete ang nagpaturok, sina Covid-19 testing czar Vince Hizon, vaccine czar Carlito Galvez Jr., Food and Drug Administration (FDA) Director Eric Domingo, at ilang duktor.
Sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, halos nasa 100 na ang nagpaturok ng Sinovac vaccine. “Willing” rin daw siya magpabakuna kaso kailangan daw ay mauna ang healthcare workers.
Sina Health Sec. Francisco Duque at Pangulong Rody Duterte ay hindi nagpaturok.
Sabi ni Duterte, hindi siya makapag-decide kasi matanda na siya. “I have to defer to my doctor.”
Sa halip ay hinamon ni Pangulong Duterte si Vice President Leni Robredo na maunang nagpabakuna: “Siya (Robredo) man ‘yung apurado, siya ang mauna. Ako, I cannot just decide. She’s young, I am not. I have to defer to my doctor.”
Kesa magpatutsadahan, once and for all… bakit hindi sabay magpabakuna sa harap ng publiko sina Duterte, Robredo, Duque at iba pang Gabinete para tuluyang magkaroon ng kumpiyansa sa bakunang Sinovac ang mamamayan?
Say nyo, mga pare’t mare?
***
600,000 doses lang ang dumating na bakuna ng Sinovac. “Donated” lang daw ito ng China. Nakalaan lang ito para sa 500,000 healthcare workers, at ang 100,000 ay para sa uniformed personnel. Kailangan pa nilang maturukan ng 2nd dose after a month.
Ang inaasahan namang dumating nitong Lunes na AstraZeneca vaccine ay “fake news”. Drawing lang pala iyon. Bola lang, sabi ng mga barbero. Hehehe…
Pero pramis uli ni Sec. Carlito Galvez, ang biniling mga bakuna ng gobyerno ay darating sa 3rd quarter ng taon, bago ang filing ng Certificate of Candidacy. Hahaha…. Mababakunahan na raw lahat!!!
Again, hinihikayat ko ang lahat na kapag may avalaible nang bakuna kontra Covid-19, magpaturok tayo. Para ito sa ating kaligtasan, diin ng vaccine experts na sina Dra. Lulu Bravu ng DoH at Nina Gloriani ng DoST. Okey? Keep safe, mga suki!!!
***
Nag-umpisa nang umikot si Senador Manny Pacquiao. Panay na ang guesting niya sa mga okasyon. Kaya malakas ang kutob natin na kakasa talaga ang pambansang kamao sa 2022 Presidential election.
Kung sakali, si Pacquiao ang kandidato sa pagkapangulo na talagang galing sa isang kahig, isang tuka, parang si Manila Mayor Isko Moreno na nagmula sa pagiging basurero.
Ano kaya kung mag-tandem ang dalawa sa 2022? Yes! Kapani-paniwala kapag nagsalita sila tungkol sa damdamin ng isang dukha, hindi katulad ng ibang politiko na nagpapanggap lang na galing sa mahirap pero ang totoo ay ‘di nakatikim ng hapdi ng sikmura, ng gutom!
Totoong kulang sa edukasyon si Pacquiao, pero mautak siya. Hindi siya magkakampeon sa walong weight division kung mahina ang kukute niya. Yes! Ang boxing ay hindi lang lakas at liksi kundi more on diskarte. Kaya sa tingin ko ay magiging mabuting pangulo si Pacquiao.
The post Duterte, Robredo at Duque dapat sabay magpabakuna ng Sinovac appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: